Sa ating panahon ngayon ay talagang marami na ang mga pulubing nanlilimos para may makakain. May mga tao din namang nagbibigay sa mga ito...
Sa ating panahon ngayon ay talagang marami na ang mga pulubing nanlilimos para may makakain. May mga tao din namang nagbibigay sa mga ito at meron ding hindi.
Sa kabila pa man ng kahirapan ng ilang mga pulubi ay mayroon din namang mabubuti pa rin ang kanilang asal. Pero kadalasan din ay nakikita natin na may mga pulubi na talagang nakakatakot na sila at wala pang magandang asal.
Kagaya na lamang ng sinapit ng netizen na ito.
Ibinahagi ng netizen ang malungkot na sinapit ng isang kababayan natin sa kamay ng isang pulubi matapos nya umanong hindi bigyan ng limos ang isang pulubi na nanlilimos sa kanya.
Sa post ni Lyka Joy Ignacio sa kanyang facebook account, sinabi nito ang kanyang naging karanasan at sinapit sa isang pulubi sa gumagala sa Brgy. Poblacion Muntinlupa City.
Ayon sa kwento ay habang naghihintay siya sa labas ng isang drugstore ay nilapitan siya ng isang lalaking pulubi.
Nanlimos umano ito sa kanya at nung tinanggihan niya itong bigyan ng limos ay bigla itong dumikit sa kanya at dali-dali siyang sinugatan. Pagkatapos ito ay bigla na lamang kumaripas ng takbo ang lalaki.
"Guys ingat po kayo sa mercury bayan katabi ng 7/11 muntinlupa. May namamalimos na lalaki mga 18 to 20 plus na siguro ang age nya. Pag di nyo binigyan, didikitan kayo.. sabay tatakbo.. Nadali po ako sa braso.. diko alam kung ano yung pinang hiwa nya sa braso ko masyadong mabilis ang pang yayari. Ingat po sa lahat.." Saad ng netizen