Nag-viral ang kuha ng video ng isang mayabang na babae na pinupuna ang isang 7-Eleven na manggagawa at sinasabing siya ang nagmamay-ari ng...
Nag-viral ang kuha ng video ng isang mayabang na babae na pinupuna ang isang 7-Eleven na manggagawa at sinasabing siya ang nagmamay-ari ng convenience store.
Ang 7-Eleven, Inc. ay isang international chain ng mga convenience store, na napakapopular sa iba't ibang mga bansa sa buong mundo kasama na ang Pilipinas.
Ibinahagi sa isang facebook page ang video footage ng isang mayabang na babae na kung saan ay kinukulit ang ilang mga empleyado ng 7-Eleven store dahil sa hindi umano pagkilala sa kanya.
Sa video, makikitang pinupuna ng babae ang mga empleyado ng tindahan at inangkin pa na siya ang may-ari ng convenience store. Ang babae ay tila nagagalit dahil sa hindi binigay ang gusto nito at sa hindi pagkakilala na siya ang may-ari ng convenience store.
Ipinaliwanag ng mga manggagawa na sinusunod lamang nila ang mga patakaran at regulasyon ng kumpanya at hindi rin nila kilala kung sino nga ba ang may-ari.
Makalipas ang ilang sandali, hiningi ng nagngangalit na babae ang kanyang bayarin at minaliit ang mga empleyado ng tindahan dahil sa hindi nila siya makilala.
Pinagkalat pa niya ang mga item sa counter dahil sa kanyang galit at gumawa ng isang eksena sa tindahan.
Ang video ay kumakalat ngayon sa online matapos itong mai-post sa social media.
Panoorin ang video:
Ano naman ang masasabi mo kaugnay sa ginawang ipinakita ng babaeng ito?