--> Viral Video: Lola ni Charice Pempengco,Todo Iyak na Ibinunyag ang mga Pasak1t na Ginagawa umano nila Charice sa Kanya | ChikaTime

Viral Video: Lola ni Charice Pempengco,Todo Iyak na Ibinunyag ang mga Pasak1t na Ginagawa umano nila Charice sa Kanya

  Naging laman sa social media nagayon ang lola ni Charice Pempengco o ngayon ay si Jake Zyrus na. Si lola Tess Relucio-Pineda ngayon ay umi...

 


Naging laman sa social media nagayon ang lola ni Charice Pempengco o ngayon ay si Jake Zyrus na. Si lola Tess Relucio-Pineda ngayon ay umiiyak na humingi ng tulong kay Raffy Tulfo.

Isang video kamakailan ang ibinahagi sa social media na nag-viral sa social media.





Humihingi si lola Tess ng tulong pinansyal para sa kanyang pagsusuri sa kanyang kondisyong dinaramdam ngayon. Ayon kay lola Tess ay ang presyon ng kanyang dugo ay tumaas sa 160/100 sa loob ng tatlong araw na.

Sa pagsisimula ng video, sinabi ni lola Tess na, 

"Ako po'y lumalapit sa inyo, humihingi po ng konting tulong. Hinatid po ako dito ng apo ko. Ako po si Tess Pineda." Kilala po bilang lola ni Charice Pempengco. May sakit po ako. Ang BP ko po lagi, tatlong araw na 160/100. Pwede po ba akong matulungan makapagpa-check up man lang ako. "

Sa video ay ibinahagi sa video na siya ay kamakailan-lamang ay nagdusa siya sa kanyang pagka str0ke.









 "Nito pong nagdaan na taon, ako po ay na-str0ke sabi po ng doktor napatiran daw po ako ng ugat sa ulo, sa batok." 

Matatandaan natin na noong 2019, si Raquel Pempengco, ang ina ni Jake Zyrus, ay inihayag niya na si lola Tess ay nagdusa mula sa isang maliit na stroke na naging sanhi ng pagkabulag niya sa kanyang kaliwang mata."

"Masama ang pakiramdam ko po. Kung minsan nakatayo ako, bigla akong napapaluhod," saad ni lola Tess

Bukod dito, isiniwalat ni Tess na kamakailan lamang ay bumisita siya kay Raquel sa Pagbilao.


"Dinala ako ng mga kapatiran ko doon, ginustuhan ko naman po makarating doon pero di ko po alam na may batas pala."

"Pagdating ko po dun sa kanila, sabi sakin, sino mang magtanong kung ano ko si Charice Pempengco, eh di nasabi ko po apo ko."

"Binato po ako ng bote na may yelo at tubig na galing sa freezer, tinamaan po ako sa likod. Sabi po sakin, sira daw ang ulo ko, baliw daw po ako. Lumayas po ako sa kanila."

"Lagi akong minumura ni Raquel."  pagsasaad ng lola ni Charice

"Ano po bang ginawa ko sa kanila para ganituhin nila ako? Nagsikap naman po ako sa buhay ko. Nagpundar ako. Pagkagaling ko sa Saudi, wala na po akong pinundar kahit isa," pagbabahagi pa nito sa video

Sa pagtatapos ng video ay nagpadala ng mensahe si lola Tess sa kanyang apong si Jake,

"Charice, bakit mo ko ginanito, anak? Yung ibang tao binubuhay mo, pinapakain mo. "Pero ang lola mo kahit piso, di mo naaalala. Kung ako'y naging masamang ina, kung ako'y naging masamang lola, sakin pa rin kayo nagmula." 



Panoorin ang video:




Anong masasabi mo kaugnay nito?