Marami na tayong nakikitang iba't-ibang mga TV Advertisement na talagang tumatak din sa ating isipan ang commercial ng produkto. Ngayon ...
Marami na tayong nakikitang iba't-ibang mga TV Advertisement na talagang tumatak din sa ating isipan ang commercial ng produkto.
Ngayon naman ay talagang naging laman sa iba't ibang social media platforms ang pinakabagong commercial ng RC Cola Philippines. Naging viral ang kanilang commercial dahil sa kakaibang konsepto nito.
Tungkol ito sa isang anak na lalaki na umuwing umiiyak at nagtatanong sa ina kung siya ba ay isang ampon lamang.
Sa umpisa ng commercial ay aakalaing mong simpleng madrama ang eksena ng mag-ina. Ngunit laking gulat ng mga nakapanood sa sumunod na nangyari na talagang hindi mo aasahan.
Sa ad ay ipinakita kasi ng anak na mayroong apat na baso itong tila tumubo sa kanyang likuran na siyang labis niyang ipinagtataka.
Dito ay ipinagtapat na ng ina ang katotohanan na magpapatunay na hindi ampon ang kanyang anak.
Sa commercial na ito ay talagang maraming netizen ang aminadong napatulala at napabilib dahil sa kakaibang konsepto ng commercial.
May hashtag itong #BastaRCColaMasarap! at agaw-eksena rin talaga ang caption ng ad na "Di naman kailangan ng maraming rason para bumili ka! Basta 'pag nauhaw ang pamilya, RC Cola! #BastaRCCola"
Reaksyon ng ilang Netizen:
Panoorin:
Ano ang masasabi mo tungkol sa artikulong ito? Huwag
mag-atubiling iwanan ang iyong mga reaksyon sa seksyon ng komento.