Matatandaan noong November 16 ay inanunsiyo ng Komedyanteng Host na si Vice Ganda sa It’s Showtime na sinimulan niya ang FUNDkabogable Donat...
Matatandaan noong November 16 ay inanunsiyo ng Komedyanteng Host na si Vice Ganda sa It’s Showtime na sinimulan niya ang FUNDkabogable Donation Drive para sa mga nais mag-donate sa mga biktima ng Typhoon Ulysses.
Nag announcement din si Vice pati sa kanyang social media accounts.
Bagamat maraming netizens ang sumita kay Vice sa ginawa niyang ito na paghingi ng donasyon sa ibang taon.
“AFTER MO MAG BAKASYON HIHINGI KA NG DONASYON?” banat ng Netizen kay Vice
Matatandaan na nagbakasyon si Vice kasama ang boyfriend niyang si Ion Perez at iba pang mga kaibigan, sa Balesin, kung saan inabutan sila ng malakas na bagyong Ulysses doon.
Ayon ng ilang netizen, sila-silang mga artista na lang daw ang mag-donate dahil wala nang mado-donate ang taong-bayan dahil kapos din.
“Or better benta mo yong mga sasakyan mo or yong milyon milyon mong banyo ang halaga.”
Yan ang komento ng isang netizen na siya ngang nagbanggit kay Willie na nagbenta pa ng luxury car para makapag-donate sa nga nasalanta sa Marikina City.
Ngayon ay sari-saring pambabatikos talaga ang natikman ni Vice Ganda mula sa ilang netizens matapos maglunsad ng fundraising campaign.
Marami ang nagsasabi kay Vice na dapat niyang tularan ang mga celebrities na tumutulong gamit ang kanilang sariling pera tulad nina Willie Revillame at Heart Evangelista.
“Magdonate din po kau galing sa yaman nyu di puro fundraising galing sa bulsa ng ibang tao tpos kanino mapupunta ang credit aberrr lamm naa.” batikos ng isa pang netizen
“Why are you asking for help when you can very well donate on your own. What with your massive display of (y)our wealth supposedly? I can’t believe you!” hirit ng isa pang Facebook user
Matatandaan natin na malaki ang itinulong ng host na si Willie Revillame.Binanggit ng netizen ang ginawa ni Willie Revillame, na ibinenta ang milyun-milyong halagang luxury car para makapag-donate sa typhoon victims sa Marikina City.