Viral ngayon sa social media ang isang pangyayari sa motel na kung saan ay nagtago sa kisame sa isang motel ang isang babae matapos siya...
Viral ngayon sa social media ang isang pangyayari sa motel na kung saan ay nagtago sa kisame sa isang motel ang isang babae matapos siyang mahuli ng kaniyang mister na seaman na pumasok siya kasama ang kaniyang kalaguyo sa isang motel sa Mandaue City, Cebu.
Ayon sa naging report ng Mandaue City Police, Ang mister na seaman ay sinugod niya ang kanyang asawa na kung saan nakita niyang pumapasok ang taxi na sinasakyan ng asawa at ng kabit umano nito sa isang motel.
Ikunuwento ni mister ang mga pangyayari. Ayon nito, magkasama pa sila ng kaniyang misis sa taxi nang papunta umano sa trabaho ang asawa. Pero unang bumaba si misis. Nang makaalis na ang taxi na sinakyan ng asawa ay kaagad naman siyang sumakay sa ibang taxi at sinundan ito.
Dito na nagsimula ,laging gulat ni mister na sa halip na sa trabaho si misis ay nakitang dumiretso ang taxi ni misis papuntang pier at sinundo ang isang lalaki na pinasakay sa taxi at pumunta na sila sa motel.
Ayon sa international boxing judge na si Edward Ligas, siya ang tumawag ng pulis dahil humingi ng tulong sa kaniya ang seaman na kaniyang kaibigan, habang hinihintay niyang makalabas sa motel ang dalawa.
Nang dumating na ang mga pulis, nasa labas na ng kuwarto ang kalaguyong lalaki.
Hindi nila nakita ang misis sa loob. Dito ay inakala nilang pinatakas na si misis ngunit bigla nalang silang nakarinig ng ingay sa kisame at nahulog pa ang dalawang sandal at nakita ang paa nito.
Pinapababa ng mga pulis si misis ngunit sadyang nagmamatigas ito, kaya inakyat siya ng isang pulis na babae gamit ang hagdanan upang pababain.
Sa pahayag ni mister, nahuli na dati ng anak si misis noong 2017 na may kalaguyo ito.
At dito ay nagsususpetsa na rin siyang hindi tumigil ang kaniyang misis sa kanyang pangangaliwa dahil nag-iba na ang kanyang asal sa mga panahon na uuwi siya galing biyahe at ayaw na ring makisiping sa kanya si misis.
Napag-alaman na isa ring seaman ang kalaguyo ng kanyang misis. Inamin naman ng kalaguyo na seaman na 3 taon na silang magkarelasyon ng babae at napag-alaman pa na may-asawa na rin ito.
Desidido na mister na kasuhan ang kanyang misis at ang kalaguyong seaman nito,
Basahin dito:
Ano naman ang masasabi mo tungkol sa artikulong ito? Huwag mag-atubiling iwanan ang iyong mga reaksyon sa seksyon ng komento.