Kamakailan lamang ay naging laman sa social media ang naging kontrobersya sa pagkapanalo ni Miss Universe R abiya Mateo. Matatandaan natin...
Kamakailan lamang ay naging laman sa social media ang naging kontrobersya sa pagkapanalo ni Miss Universe Rabiya Mateo. Matatandaan natin na maraming akusasyon ang ibinato kay Miss Rabiya dahil umano sa pandadaya nito.
Sa kabila ng isyung ito ay marami ding kapwa kandidata ang ipinagtanggol ang nagwaging si Miss Universe Rabiya Mateo.
Nag viral naman matapos magsalita at maglabas ng hinaing sa isang 'tell-all video' si Miss Universe Philippines 2020 2nd runner-up Michele Gumabao, tungkol diumano sa mga kontrobersyang bumabalot sa nagdaang beauty pageant.
Sa video ay tila hindi matanggap ni Michele ang kanyang pagkatalo sa kompetisyong ito.
Dahil sa kanyang inilabas na video ay umani ito ng mas maraming batikos mula sa mga netizen, sa halip na naki-simpatya ay binatikos ito.
Isang social media influencer na si MJ Quiambao Reyes ang nagpaabot ng pagkadismaya sa ginawang video ni Ms Gumabao.
Sa isang Facebook post na sinimulan niya sa mga katagang "MISS(ED) UNIVERSE".
Dito ay talagang deretsahan niyang sinabi na sana ay tigilan na ni Gumabao ang mga pasaring at kung maari ay sabihin na lang kung ano ang totoong nalaman nito.
Pinayuhan ni Reyes si Michelle na ayusin ang sarili, bumangon at umaktong isang tunay na beauty queen.
Hindi umano nagustuhan ng mga nakapanood ang video na nilalaman nito, sapagkat hindi naman direktang sinabi ni Gumabao kung ano nga ang kanyang narinig at nalaman noong gabing iyon. Dahilan kaya nabitin sa buong katotohanan at nadismaya ang mga netizens.
Matatandaan na nagblog ito si Gumabao na kung saan ay emosyonal siyang nagpahayag ng saloobin tungkol sa kredibilidad diumano ng MUP 2020.
Sa kanyang video, sinabi ni Gumabao na mayroon siyang mga narinig at nakita na hindi niya dapat nalaman bilang isang kandidata.
"I heard things I never should have heard, witnessed things I never should have witnessed as a candidate." ani Gumabao.
"I was heartbroken. I was devastated that night. I called my family and I wanted to go home.", pahayag ni Gumabao
Ang dahilan kung bakit marami ang nainis at nadismaya sa kanya, imbes na maki-simpatya ay dahil natapos ang video ng hindi man lang sinabi ng beauty queen kung ano ang narinig at nalaman nito. At tila hindi umano matanggap ni Ms Gumabao ang kanyang pagkatalo.
Narito ang kanyang post:
"MISS(ED) UNIVERSE
Enough of those hazy statements and insinuations. Either state what really went wrong and what you've witnessed or please stop invalidating someone's crown with a 24-minute "tell all" that didn't really tell anything.
If it's any consolation, you're beautiful and you did well. Masyado lang din magaganda at magagaling ang mga nakasabay mo. Now, please pull yourself together, chin up, and start acting like a queen."
Panoorin ang video: