--> Naku naman! Lola ni Charice Pempengco,Isinugod sa Hospital Matapos Mangyari ito sa Kanya.... | ChikaTime

Naku naman! Lola ni Charice Pempengco,Isinugod sa Hospital Matapos Mangyari ito sa Kanya....

  Isang netizen ang nagbahagi ng video sa social media na kung saan ay humihingi ng tulong pinansyal ang lola ni Charice Pempengco o kilala ...

 





Isang netizen ang nagbahagi ng video sa social media na kung saan ay humihingi ng tulong pinansyal ang lola ni Charice Pempengco o kilala na ngayon sa pangalang si Jake Zyrus.




Si Jake Zyrus ay isang kilalang mang-aawit at manunulat ng kanta sa Pilipinas. Kilala siya dati bilang Charice Pempengco, ang batang babae na gumawa ng mga pang-internasyonal na appearance sa TV dahil sa husay ng kanyang pag-awit.

Ayon sa lola ni Charice ay pinababayaan umano siya ng pamilya nito.Nasabi pa nito na walang naitulong si Charice sa kanya dahil tila kinalimutan na umano siya nito.


Nag viral ang video na ibinahagi ng netizen na may caption pa na:

“Good day mga Kamukbangers siya po si Tess Pineda siya po ang Lola ni Charice Pempengco o mas kilala sa tawag ngayon na Jake Zyrus.Siya po ay lumapit saamin at nakiusap na baka pwede daw po namin sya kuhanan ng video upang manawagan sa kaniyang pamilya at makahingi ng tulong kay Idol Raffy Tulfo at Maam Jessica Soho."




"Siya po ay 74 years old na at may mga iniindang karamdaman nais nya pong makapag pa check up dahil lagi na po syang nahihilo kailangan nya rin po ng mga gamot.Pansamantala po syang kinukupkop ng isang concern citizen sa Sta.Rosa Laguna hinihiling din po niya na mabigyan sya ng isang makina sa pananahi upang kahit papaano ay makatulong sya sa taong kumukupkop sa kanya..Sa mga nais pong tumulong maari po kayong tumawag sa numerong eto 09972140556/ 0493022302..maraming salamat po..”

Ngayon naman ay nagbigay ng update ang netizen na tumulong kay lola Tess.

Ayon sa ibinahaging video ay isinug0d sa hospital si lola Tess dahil sa masamang pakiramdam nito.



"Kakagaling lang po namin sa clinic kasi kanina habang kausap po namin si Nanay Tess ay nahihilo po siya at sabi niya po ay nasusuka."

"Kaya po ginawa po namin, may malapit po kasi na clinic dito sa may amin, dinala po namin siya doon." 

Agad namang ibinahagi ni nanay Tess ang mga natuklasan ng doktor pagkatapos ng kanyang pag-check up. 

Inihayag din niya na na aks1dente ito noong siya ay nakatira pa kasama ang kanyang anak na si Raquel Pempengco.

"Maaari daw sa mata. Pero may problema ako anak, noon kasing na kay Raquel ako, nahulog ako sa hagdanan. "







"Mula 3rd floor hanggang pababa, hindi ako dinamayan. Eh sabi umaarte lang daw ako. Yun bang dalawang bilog sa tuhod ko, hindi ko sinasabi sa kanila." 

Maluhang nagpapasalamat si lola Tess sa taong tumulong sa kanya.


"Salamat anak nagtiwala ka sakin, hindi kita tunay na anak pero hindi ka nagdalawang loob na magbigay ng tiwala sakin. Salamat." 


Panoorin ang video:





Anong masasabi mo kaugnay nito?