Naging viral sa social media ang video na ibinahagi ng netizen sa social media na kung saan ay nadapa umano ang matandang lalaki sa kakaha...
Naging viral sa social media ang video na ibinahagi ng netizen sa social media na kung saan ay nadapa umano ang matandang lalaki sa kakahabol sa ipinamimigay na relief goods ngunit wala siyang nakuha.
Ang lalaking ito ay si Lauriano Anung Pattaui ng Barangay San Isidro, Iguig sa Cagayan.
Ibinahagi ng nagmalasakit na netizen na si Apreil-Jhoiyze Juan Cabacungan-Bayucan ang TikTok video ni @itsmecarlo19 kung saan makikita ang kalagayan ni Tatay Lauriano.
Makikita natin sa video na puno ng alikabok at tuyong putik ang kanyang mukha matapos na siya ay madapa. Pilit niyang hinahabol ang nagbibigay ng mga relief goods sa kanilang lugar at sa kasamaang palad ay wala ngang nakuha si Tatay.
Sa video ay bakas ang lungkot ng kanyang mukha lalo na at wala siyang maiuwi na reliwf goods para sa kanyang pamilya.
Marami ang netizen ang naawa kay Tatay dahil talaga namangnNakakadur0g ng puso ang makita na napakaway na lamang si Tatay Lauriano sa namamahagi subalit wala ring nag-abot sa kanya.
Matapos mag-viral ang TikTok video ng isang lalaking nadapa sa paghabol sa mnamamahagi ng relief goods ay sa wakas ay nabigyan na rin siyang tulong. Marami sa mga netizen na ang nagpaabot ng tulong kay tatay.
Maraming netizen ang naantig ang puso nang makita ang video na ibinahagi sa social media. Ang mga ito ay nagpadala ng tulong kay tatay sa tulong na rin ni Apreil na agad naman siyang natunton.
Ngayon ay nabigyan na si Tatay Lauriano ng mga pagkain at iba pa nilang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Bigo man noong una at nadapa pa siya, ngayon, hindi na niya kailangang tumakbo at makipag-agawan dahil kusa na lamang dumarating sa kanya ang biyaya. Patuloy pa rin ang dating ng tulong sa kanya mula sa mga kababayan natin maging ang mga nasa ibang bansa.
Isa si Tatay Lauriano sa libo-libo nating mga kababayan na labis na naapektuhan ng Bagyong Ulysess na tumama sa bansa . Sadyang hindi inaasahan ng mga kababayan natin sa Cagayan ang biglang pagtaas ng tubig sa kanilang lugar lalo na at wala namang storm signal na itinaas doon.
Bukod sa Cagayan at Isabela na lubog pa rin sa baha ang ilang bahagi, labis ding naapektuhan ng hagupit ni 'Ulysses' ang Marikina at ilang bahagi ng Rizal.
Talagang marami sa atin ang apektado ngayon lalo na may kinakaharap pa tayong pandemya.
Panoorin ang video: