--> Mabigat na Rebelasyon! Kilalang Scammer umano noon na si Xian Gaza, Ibinunyag Ang Tunay na Baho ng Pamilya ni Ella Cruz | ChikaTime

Mabigat na Rebelasyon! Kilalang Scammer umano noon na si Xian Gaza, Ibinunyag Ang Tunay na Baho ng Pamilya ni Ella Cruz

Si Christian Albert Gaza, na mas kilala sa tawag na Xian Gaza, ay sinentensiyahan ng limang taon sa kulungan matapos na mapatunayan sa kanya...




Si Christian Albert Gaza, na mas kilala sa tawag na Xian Gaza, ay sinentensiyahan ng limang taon sa kulungan matapos na mapatunayan sa kanya ng Malabon Metropolitan Trial Court na siya ay guilty beyond reasonable doubt of violating Batas Pambansa (BP) 22 or the Anti-Bouncing Checks Law.

Ayon sa mga naunang ulat, ang negosyanteng lalaki ay dinemanda nina Jaime Asuncion at Melinda Cruz dahil sa umano’y pagdaya sa kanila sa pagpapautang sa kanya ng hindi bababa sa P3 milyon.





Gaza, president and CEO of Hongkong-based Guanxiqian Group ay naging usap-usapan sa social media noong nakaraang taon nang hilingin niya sa aktres na si Erich Gonzales na makipag-date sa kanya sa pamamagitan ng paglalagay ng isang malaking billboard sa Morayta, Maynila.

Kamakailan lamang (Pebrero 10), nag-post si Xian ng isa pa sa kanyang mga istilo sa Facebook. This time, this is for no other but Nadine Lustre, na nagte-trend lang dahil sa breakup ng JaDine.




Ano ang naging taktika ni Xian? Well ang ginawa nito ay , isang "Bouquet of Mustang" (na nagkakahalaga ng halos PHP 3 milyon) para kay Miss Nadine mismo.

Matatandaan na sa kanyang facebook post ay sinabi pa nito na talagang gagawin niya ang lahat makuha lang ang atensyon ng babaeng nagustuhan niya.

“Since my teenage days, KSP na talaga ako. Whenever I really like someone, gagawin ko ang lahat-lahat para makuha ang atensyon nung babaeng gusto ko in the grandest way possible within my means. Just like my ligaw efforts to Ella Cruz way back 2016 and so with my epic fail billboard for Erich last 2017.”






Ngayon naman ay may pasabog itong si Xian Gaza. May rebelasyon umano si Xian tungkol sa katotohanan sa naging relasyon nila ni Ella Cruz noon.

Naging usap-usapan naman ang kilalang businessman at scammer umano na si Xian Gaza matapos may isiniwalat sa social media na katotohanan umano tungkol sa namagitan sa kanila dati ng aktres na si Ella Cruz.

Sa isang vlog na inilabas ni Xian, mayroon itong mga inilahad na rebelasyon tungkol sa ginawa raw sa kanya ni Ella at ng pamilya nito.Hindi basta-basta lamang ang mga binitiwang salita ni Xian kundi isang mabigat  na rebelasyon laban sa pamilya ni Ella Cruz.

“After akong gamitin at gatasan sa loob ng tatlong buwan, buong pagkatao ko ay siniraan lamang. Ang mapamahal sa kanilang pamilya ay isang malaking katangahan…”






Ayon kay Xian, nagsimula umano ang lahat nang maging mag business partners sila ni Ella. Ito umano ang dahilan kung bakit naisilang ang ‘EC Dance Company’ ng aktres. Sa pagiging magpartner nila sa negosyo, nabuo raw ang kanilang lumalalim na pagkakaibigan at samahan.

"Four years ago on October 2016, nagisip ako ng paraan kung paano mapalapit kay Ella Cruz. Ang ginawa ko eh nakipag-set ako ng meeting sa nanay niya at Il Terrazzo Tomas Morato. Nag-propose ako ng business partnership between my Gazera Media and EC Dance Studio. Doon ipinanganak ang "EC Dance Company" namin ni Ella. From there, we became business partners."

“Our business went well at bawat oras na lumilipas eh mas lalong lumalalim ang aming pagkakaibigan. Two to three times a week kami’y magkasama. In-love na in-love ang Kuya mo Xian. Together ay nag-sky diving pa nga sa Bantayan Island,”  saad pa nito 






Ayon sa kwento ni Xian ay isang pangyayari raw ang nagpabago nito kaya tila nag-iba ang relasyon nilang dalawa ni Ella at sa pamilya nito. 

Ang dahilan umano sa nakapagpabago ng kanilang relasyon ay nang ini-offer sa kanya ng pamilya ng aktres ang isang sasakyan ngunit, nang hindi mabayaran ni Xian ay sinabi ng pamilya ni Ella na ibalik na lamang ang unit ng sasakyan.

Dahil daw dito kaya siya binansagang scammer ng nanay ni Ella sa national TV. 

“Third week of Decemeber 2016, pag-uwi namin sa Manila from Cebu, nag-message sa akin ang kanyang ina. Binebenta daw nila ang kanilang Toyota Fortuner at Php 650,000. Baka daw interesado ako. Sa kagustuhan kong magpasikat sa kanyang pamilya, ako ay napilitang umoo kahit wala naman akong budget para dito. Nagkasunod kami sa 2 gives --- paunang Php 300,000 at final payment na Php 350,000. Nag-issue ako ng isang post-dated check…



"Nung araw na ng deposit on December 30, 2016, tumalbog ang cheke dahil wala akong pampondo. Nag-message sa akin ang ama ni Ella na magsolian na lang daw kami with 50K pesos penalty bilang danyos sa perwisyong naidulot ko sa kanila."

 "Isinoli ko ang unit tapos isinoli naman nila sa akin ang 250K at ang tumalbog na cheke. After that ay ginhost na ako ni Ella at hindi na nagparamdam kailanman."

"Seven months later on July 4, 2017, kasagsagan ng aking coffee date billboard, sinabi ng nanay ni Ella sa national news na stalker daw ako at iniscam ko daw ang kanilang pamilya. At dahil siya'y ina ng isang artista, buong bansa ay naniwala. Kawawang Xian ay walang kalaban-laban."


"After akong gamitin at gatasan sa loob ng tatlong buwan, buong pagkatao ko ay siniraan lamang. Ang mapahamal sa kanilang pamilya ay isang malaking katangahan. Pinangako sa sarili na ako'y babangon at magpapayaman."

Matatandaan din noon na nagbahagi sa social media si Xian na may caption na:

 “Karma is real. What you do now will come back to you in the future. Life has a funny way of making you deal with what you make others go through. Babalik at babalik din sayo lahat kaya magbago ka na habang hindi pa huli ang lahat kagaya ko.”



Narito ang post:




Anong masasabi mo sa mga rebelasyong ito ni Xian sa pamilya ni Ella Cruz?