Malaki ang pagkadismaya ngayon ng mayorya sa Kamara dahil sa patuloy na sibakan matapos alisin sa puwesto ang mga mahahalagang posisyon na t...
Malaki ang pagkadismaya ngayon ng mayorya sa Kamara dahil sa patuloy na sibakan matapos alisin sa puwesto ang mga mahahalagang posisyon na taliwas sa pangako noon ni Speaker Lord Allan Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte na sila lang ni dating Speaker Alan Peter Cayetano ang magpapalitan ng puwesto.
Talagang magkakaroon umano ng ‘silent majority’ sa liderato ni Velasco dahil sa dami ng napangakunan nito ayon kay Political Analyst Mon Casiple.
Kabilang sa mga sinibak bilang Deputy Speakers sina 2nd District Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, Batangas Rep. Raneo Abu, Capiz Rep. Fredenil Castro, Laguna Rep. Dan Fernandez at tinanggal din si Kabayan Rep. Ron Salo bilang kinatawan ng Kamara sa Electoral Tribunal.
Nasibak rin si Bulacan Rep. Jose Antonio Sy-Alvarado, chairperson ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga mahahalagang isyu ng bansa.
Matatandaan na isa si Alvarado sa mga kongresistang bumoto ng "Yes" para mabasura ang prankisa ng ABSCBN .
Pinalitan siya ni DIWA Partylist Rep. Michael Aglipay, na nagpakita ng suporta sa Kapamilya network.
Inimbestigahan ng komite ni Sy-Alvarado ang anomalya sa PhilHealth, iregularidad sa pamamahagi ng Social Amelioration Program, mataas na presyo ng kuryente sa panahon ng pandemic, sitwasyon ng mga Filipino migrants sa gitna ng COVID-19 crisis, ABS-CBN franchise renewal at 2021 national budget.
Basahin:
Ano naman ang masasabi mo tungkol sa artikulong ito? Huwag
mag-atubiling iwanan ang iyong mga reaksyon sa seksyon ng komento.