Isang dating basketbolero at sumasali sa mga male pageants ay naging beauconera na ngayon. Maglaro man ng basketball at sumali sa mga male p...
Isang dating basketbolero at sumasali sa mga male pageants ay naging beauconera na ngayon. Maglaro man ng basketball at sumali sa mga male pageant para patunayan ang kaniyang pagkalalaki sa lahat lalo na sa kaniyang tatay ay.
Siya ay si Adrian Lilang. Ayon kay Adrian ay alam na umano sa sarili niya na isa siyang bakla. At ngayon siya ay nagdesisyon na kumawala at maging isang transgender woman.
"Dumating po ako sa point na natatakot po ako sa tatay ko. Nahihirapan po talaga ako, noong bata pa ako alam ko na po sa sarili ko..." saad ni Adrian Lilang
Ayon naman sa kanyang ama na si Ferdinand Lilang ay napansin na niya ang pagiging malambot ng kaniyang anak noong bata pa lamang ito, kaya masakit para sa kaniya kapag inaasar si Adrian ng kaniyang mga kaibigan.
"Tinatanong ko siya 'Bakla ka ba?' Sinasabi niya sa akin 'Pa hindi, lalaki ako.' Marami akong naririnig 'Bakit ang anak mo hindi mo turuan mag-basketball?" ani Ferdinand.
Maliban sa basketball, nagpa-borta pa si Adrian, naging modelo, at nagkaroon pa ng mga girlfriend para patunayang lalaki siya.
Pero hindi rin ito natiis ni Adrian, dahil nararamdaman niya sa sarili ang pagiging isang trans woman.
"Napagod na po akong magpatigas. Hindi ako ito, hindi ko ito gusto. Bago po ako mag-transition as transgender, marami po akong narinig na batikos tungkol po sa akin, hindi lang po sa malalapit kong friends, siyempre sa family ko po," sabi nito
Panoorin ang video:
Anong masasabi mo kaugnay nito?