Noong Huwebes, Nobyembre 26, ang balita tungkol sa pagkamat@y ng bokalistang si Jamir Garcia ay naging laman sa social media. Marami ang nag...
Noong Huwebes, Nobyembre 26, ang balita tungkol sa pagkamat@y ng bokalistang si Jamir Garcia ay naging laman sa social media. Marami ang nagulat sa ginawang ito ni Jamir.
Ayon sa ulat mula
sa Quezon City Police District, Kinumpirma nila na ang sanhi ng pagkamat@y ni Jamir ay su1c1de.
Kamakailan-lamang ay nag live si Sojina ang live-in partner ni Jamir sa Facebook. Dito ay ipinahayag ang kanyang kalungkutan sa
pagkawala ng kanyang partner na si Jamir.
Sa simula ng kanyang live na video, nagsimula si Sojina sa pagbabahagi na hindi maaaprubahan ni Jamir ang gagawin at sasabihin niya.
"Gusto ko nang magsalita. Alam ko hindi gusto ni Jamir 'tong ginagawa ko sa ngayon pero dahil wala na siya, andito ako ngayon sa harap niyo, magsasalita ako." saad ni Sojina
"Si Jamir yung tipo na kahit dinudur0g ka na ng tao, ayaw pa rin niya magsalita. Ayaw na ayaw niyang ipagtanggol namin siya. Ayaw niya na madamay kami sa lahat ng problema niya na kinimkim niya lang." Paglalahad nito
"Simula nung pumutok yung balita na yun wala kayong narinig samin." dagdag sabi
Ang isyu na yun umano ang sanhi ng maraming sakit at kalungkutan sa buhay ni Jamir.
"Sa totoo lang, hindi niya na iniintindi yun mga pinupukol sa kanya. Yun mga binibintang sa kanya. Wala siyang pakialam na dun.”
"Hindi niya lang po talaga matanggap yung mga taong minahal niya kayang gumawa sa kanya ng ganun. Alam niyo kung sino kayo. Mahal na mahal kayo ni Jamir pero anong ginawa niyo sa kanya?"
Ibinahagi ni Sojina na pinili nila ni Jamir na manahimik sa gitna ng isyu na itinapon sa yumaong mang-aawit.
"Nanahimik kami dahil ayaw namin yung ginagawa niyo, dahil ayaw namin yung gusto niyo na pagpiyestahan at gawing circus ang buhay namin.”
"Pero anong ginawa niyo? Nag-enjoy kayo. Nagpakawala kayo ng mga pekeng news, gumawa kayo ng mga pekeng istorya para lang mahila niyo pababa si Jamir. Napakasama niyo."
"Kaya nga nagpakamatay yung asawa ko dahil sa mga ginawa niyo eh,"
"Tinuri kayong kapatid ni Jamir. Mahal na mahal kayo ni Jamir hanggang sa huling hininga niya.”
"Dinibdib niya lahat dahil hindi niya kayang saktan kayo. Hindi niya kayang suklian yung pandedemonyo niyo sa kanya."
Panoorin ang video na ito:
Ano ang masasabi mo tungkol sa artikulong ito? Huwag
mag-atubiling iwanan ang iyong mga reaksyon sa seksyon ng komento.