Usap-usapan sa social media ang ginawang pagbatikos ng kapuso star na si Si Glaiza de Castro. Matatandaan natin na Ang Pangulo at ang Sen...
Usap-usapan sa social media ang ginawang pagbatikos ng kapuso star na si Si Glaiza de Castro.
Matatandaan natin na Ang Pangulo at ang Senador na si Bong Go ay nagsasagawa ng aerial inspeksyon sa mga nasalanta ng bagyo sa Cagayan Valley.
Ang aktres na si Glaiza ay nagpakita ng pagbatikos sa ginawang aksyon ng Presidente sa pamamagitan ng pag re-tweet ng post na ibinahagi ng CNN.
Dito ay nagkomento ang aktres tungkol sa kamakailang aerial inspeksyon na isinagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga nasalanta o tinamaan ng bagyo.
Matatandaang ang lugar ay inilagay na sa ilalim ng state of calamity sapagkat ang tubig-baha ay sumakop sa halos buong lugar at inilarawan din na katulad sa "Pacific Ocean."
Inilarawan din ng mga lokal na opisyal ang pagbaha bilang pinakapangit na naranasan nila.
Ang ulat tungkol sa pagbisita sa himpapawid ay
nai-retweet ni Glaiza na may komentong:
"Yung may nakit ka nang mali pero nag-inspect ka
lang."
Nag-trend ang mga hashtag na #CagayanNeedsHelp at #IsabelaNeedsHelp sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses.
Ang mga residente ng lugar ay humihingi ng tulong sa pamamagitan ng social media.
Mayroong isang viral audio clip kung saan maaaring malinaw na marinig ang mga sigaw ng tulong ng mga tao na nakakatind1g balahibo at talagang nakakaawang pakinggan.
Narito ang naturang Post ng Aktres:
Yung may nakita ka nang mali pero nag inspect ka lang. https://t.co/zSqcSRuvqD
— Glaiza de Castro (@glaizaredux) November 15, 2020
Anong masasabi mo kaugnay sa sinabi ng aktres na si Glaiza de Castro?