Kamakailan ay lumikha si Jay-R Siaboc ng ingay sa online world dahil sa isang impormasyon na ibinahagi niya patungkol sa kanyang sinalihan...
Kamakailan ay lumikha si Jay-R Siaboc ng ingay sa online world dahil sa isang impormasyon na ibinahagi niya patungkol sa kanyang sinalihan na "Pinoy Dream Academy."
Inihayag ni Jay-R na hindi niya natanggap ang ilan sa mga pangunahing gantimpala sa nasabing reality talent competition.
Matatandaang nakuha ni Jay-R ang 1st runner-up trophy sa unang edisyon ng palabas noong 2006. Si Yeng Constantino ay tinanghal bilang kampeon sa mga panahong iyon.
Sa pamamagitan ng isang post sa Facebook, nabanggit ni Jay-R Siaboc na hindi niya nakuha ang condominium unit at food franchise na isinama umano sa listahan ng mga premyo.
Matapos ang higit sa isang dekada mula nang siya ay tinanghal na 1st runner-up, ang nasabi ni Jay-R ay nanatiling umaasa na ang mga naturang premyo ay ibibigay sa kanya lalo na ngayong ang mga buhay natin ay apektado ng coronavirus pandemya.
Narito ang kanyang Post:
“Nung nag 1st runner-up aq sa PDA (Pinoy Dream Academy) kasama sana sa premyo q ay Condominium at franchise ng Belgian Waffle, pro sad to say both di q natanggap ang mga to. Di q alam kung makukuha q pa ba to pero sana,” saad nito.
“At ngayon nman sa mga kanta q WLA na nman aq natanggap. Sa panahon ngayon na WLA tayo trabaho di maiwasan maalala ang mga bagay na sa tingin moy dapat sana ay sa iyo. Well Panginuon nlang cguro Ang bahala at nkakaalam…” dagdag sabi
Si Jay-R Siaboc ay isang tanyag na personalidad ng showbiz sa Pilipinas. Siya ang taong nasa likod ng mga hit na kantang "Hiling" at "Himala."
Ikaw,Ano naman ang masasabi mo tungkol sa artikulong ito? Huwag
mag-atubiling iwanan ang iyong mga reaksyon sa seksyon ng komento.