--> Isang Babae, Grabe ang Hagulhol sa Iyak nang Magpakasal sa Iba ang Kanyang Nobyong Kinasama niya ng 10 taon Dahil lang dito.. | ChikaTime

Isang Babae, Grabe ang Hagulhol sa Iyak nang Magpakasal sa Iba ang Kanyang Nobyong Kinasama niya ng 10 taon Dahil lang dito..

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa ating bansa. Mas nakilala siya sa pagiging "hari ng public service" ...


Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa ating bansa. Mas nakilala siya sa pagiging "hari ng public service" sa programa niyang Wanted sa Radyo.

Talagang marami ng natulongan si sir Raffy Tulfo lalo na sa mga taong mahihirap at ina-agrabyad0



Ngayon naman ay isang OFW ang tinulongan ni sir Raffy Tulfo dahil sa ginawang pagtataks1l ng kanyang nobyong kinakasama ng 10 taon.




Grabe talaga ang pag-iyak at paghagulh0l ng overseas Filipino worker na kinilalang si Jessa Mirabueno. Talagang makikita natin sa video na mat1ndi ang sama ng loob ni Jessa sa dati niyang nobyo na si Wilberto Atienza na nagpakasal na sa iba. 

Napag-alaman na 10 taon na palang nagsasama sina Jessa at Wilberto subalit nito lamang Nobyembre 22 ay nagpakasal ang lalaki sa babaeng kakikilala lamang niya ng ilang buwan pa lang ang nakalilipas. 

Makikita natin na talagang masak1t ang lahat na mga pangyayaring ito kay Jessa.Dala ng matinding sama ng loob dumulog si Jessa sa programa ni Raffy Tulfo para masingil umano ang natitira pa niyang pera sa dating nobyo. 


Naikwento ni Jessa na nagbibigay umano siya ng allowance kay Wilberto dahil kasama nito sa tirahan ang ilan niyang kamag-anak dito sa Pilipinas.

Ayon kay Jessa, isa sa huli niyang naibigay dito kay Wilberto ay ang pampagawa sana ng hagdan ng tinitirhan nila dahil minsan na raw nahulog ang pamangkin niya rito.

Subalit ang isasauli lamang daw ng lalaki ay ang sinasabing natitirang perang allowance mula talaga kay Jessa. Sa tindi rin ng hinanakit, nais na sana ni Jessa na paalisin si Wilberto sa kanilang tinitirahan dahil ito naman daw ang nagloko. 

Ang malala pa nito tila sinisi pa ni Wilberto si Jessa kung bakit siya ay nagloko at ito'y dahil daw sa ugali nito. Madalas na raw sila kasing nagkakaaway at nakapagbibitaw daw ito ng masasakit na salita. 

Katwiran naman ni Jessa, dala lamang ito ng pagod, stress, at problemang ibinibigay daw ni Wilberto sa kanya. 


Sana ay magbigay aral ito sa lahat ng OFW na huwag magbigay ng bigay lalo na pag nobyo/nobya pa lamang.


Panoorin ang video:



Ano ang masasabi mo tungkol sa artikulong ito? Huwag mag-atubiling iwanan ang iyong mga reaksyon sa seksyon ng komento.