Sa live episode ng It's Showtime noong November 17 ay deretsahan ng sinagot ni Vice Ganda ang mga paratang na ito sa kanya. Ito ay kau...
Sa live episode ng It's Showtime noong November 17 ay deretsahan ng sinagot ni Vice Ganda ang mga paratang na ito sa kanya.
Ito ay kaugnay sa naging pahayag niya na inanunsiyo ni Vice sa It’s Showtime noong November 16 na sinimulan niya ang FUNDkabogable Donation Drive para sa mga nais mag-donate sa mga biktima ng Typhoon Ulysses.
Sa paghingi ng donansyon ni Vice sa ibang tao ay nakatanggap ito ng sari-saring pambabatikos laban sa kanya.
Maraming netizen ang ikinumpara ang komedyanteng host na si Vice kay Willie Revillame at sa ibang celebrity na nagbigay ng donasyon gamit ang sariling pera lamang.
“Why are you asking for help when you can very well donate on your own. What with your massive display of [y]our wealth supposedly? I can’t believe you!”
“AFTER MO MAG BAKASYON HIHINGI KA NG DONASYON?”
“Or better benta mo yong mga sasakyan mo or yong milyon
milyon mong banyo ang halaga.”
“Magdonate din po kau galing sa yaman nyu di puro
fundraising galing sa bulsa ng ibang tao tpos kanino mapupunta ang credit
aberrr lamm naa.”
Yan ang ilan sa mga pambabatikos ng netizen laban kay Vice Ganda.
Dahil dito ay rumesbak si Vice sa mga paninira sa kanya ng ibang netizen
Paglilinaw ng komedyante ay hindi siya nagsagawa ng fundraising drive para hindi na niya kailangang maglabas ng pera at mag-donate sa mga nasalanta ng bagyo.
“Nakakatawa lang kasi may mga nagko-comment lang na, ‘Di ba, ang dami mong pera? Bakit ka nanghihingi ng donasyon?’"
“Parang mga baliw. Hindi po para sa akin ang donasyon na ito, at hindi ko po ito ginagawa para makatakas sa pagdo-donate."
“Makakaasa po kayo na may personal po akong donasyon na ibinibigay.”
Ayon kay Vice Ganda ay sinimulan daw niya ang fundraising drive na ito para sa convenience ng mga taong gustong tumulong sa mga nasalanta ng bagyo.
“Ginagawa ko po ito para sa madlang people, sa mga kaibigan, sa mga Little Ponies [fans ni Vice], na gustong mag-ambag at gustong pagsama-samahin yung kanilang mga donasyon."
“Ako na po ang nagkokolekta noon, ‘tapos ako ang mamimili, at ako na rin po ang magpapadala. Para nasa bahay na lang kayo.”
Hanggang ngayon ay nanawagan si Vice sa mga nais pang mag-donate at huwag isipin kung maliit lamang ang maibibigay na donasyon.
“Pag pinagsama-sama po natin 'yan, malaking-malaki 'yan at maraming-marami masasaklolohan."
“Kaya huwag niyo pong i-underestimate ang mga sentimo o magkano lang po yung pinapadala ninyo, malaking tulong po 'yan.”
Pagbabahagi ni Vice na,
“Alam ko pong maraming gustong tumulong, pero hindi alam ang gagawin, magpadala po kayo sa Sagip Kapamilya at FUNDkabogable para iwas-scam, okay?"
“Hindi natin mawawaglit na sa mga pagkakataong ito ay may iskamero at iskamero pa rin."
“Kaya, please, mag-ingat po kayo para hindi masayang ang kagandahan ng loob niyo."
“Ipambibili po natin iyan ng face masks para patuloy pa rin nilang maprotektahan ang mga sarili nila sa COVID."
“Blankets, towels, underwear, mats, unan, banig."
“Kasi po napag-alam namin na ang mga local government units at national government, mostly po naka-focus sila sa pagkain."
“So, kailangan po nating tulungan yung mga activations na makapagbigay ng personal na pangangailangan na mga underwear…"
"Kasi marami po ang nawalan ng gamit."
Yan ang paglalahad ni Vice kung saan niya gagamitin ang pondong malilikom.
“At pramis hindi po masasayang ang mga pinapadala niyo sa FUNDkabogable." dagdag sabi nito
Anong masasabi mo sa naging pahayag ni Vice kaugnay nito?