Alam na natin na itong si Ethel Booba ay kilala sa kaniyang pagiging vocal pagdating sa usaping pang politika. Matatandaan natin kamakaila...
Alam na natin na itong si Ethel Booba ay kilala sa kaniyang pagiging vocal pagdating sa usaping pang politika.
Matatandaan natin kamakailan ay naging laman din si Ethel sa social media dahil sa kanyang deretsahang bwelta sa mga kritiko. Sa kanyang social media,inilabas niya ang kanyang mga hinaing, batikusin at kontrahin ang mga kritiko na kumokontra at bumabatikos sa kasalukuyang administrasyon.
Ngayon naman ay naging usap-usapan si Ethel dahil sa kanyanag post.Binanatan ng actress at blogger na si Ethel Booba ang mga politiko na tila puro paawa na lamang ang ginagawa sa publiko sa tuwing sila ay nakakatanggap ng batikos mula sa marami.
Sinabi ni Ethel na dapat ang mga politiko ay handa na sa kanilang mga isasagot kung sakali man na sila ay makatanggap ng batikos o di kaya ay prangkahin sila hindi yung tila nagpapaawa pa sila sa mata ng publiko para lamang makakuha ng atensyon at simpatya mula sa tao.
“Pag di kaya siraan hanapan ng butas. Eh pano na pag nasa ayos naman pala lahat. Tsaka iba ang real talk sa nang babatikos lang. Kaya pag tinamaan kayo. Dapat handa kayo ng isasagot nyo di yung para kayong kawawa. O magpapa awa huy. Old school pa rin wa epek na!!! Happy?”
Maliban pa dito ay bumwelta si Ethel sa mga tao na nag aabang pa sa pagdating ng masamang panahon para lamang makahanap ng butas upang gawan ng isyu ang gobyerno.
“May bagyo pa bang parating? Kawawa naman sila nauubusan na ng issue. Abang abang lang ang peg.”