Kamakailan lang ay pumutok sa social media ang mala-Pacific Ocean na ilang barangay sa Cagayan at Isabela dulot ng bagyo na sinabayan pa n...
Kamakailan lang ay pumutok sa social media ang mala-Pacific Ocean na ilang barangay sa Cagayan at Isabela dulot ng bagyo na sinabayan pa ng pagpapakawala ng tubig sa Magat Dam.
Kasama sa mga naapektuhan sa mga pagbaha sa Cagayan ang pamilya ng film director na si Cathy Garcia-Molina.
Umiiyak na humingi ng tulong ang box-office director na si Cathy Garcia Molina para sa lolo at lola niyang nasa Cagayan Valley na nasalanta rin ng bagyong Ulysses.
"Yung Lola ko pilay, Hindi siya nakakalakad nang normal tapos they are senior citizens. Inilikas sila. Si Lola dinala sa isang bahay, si daddy maano sa gamit, bumalik siya at itinaas yung gamit," saad ng direktor.
"Ngayon si Lola yung tuloy tuloy yung pagtaas ng tubig, isinakay siya sa bangka. Habang bumabiyahe siya nakita niya si daddy at sinabi niya na dun na lang ako sa asawa ko, Mas pinili kasi ni daddy na wag pumunta sa maraming tao kasi COVID din."
Pagdating ng umaga, aniya, bumaba ang tubig-baha pero natuklasan din nilang nalunod ang ilang mga alagang hayop nila.
“Kaninang umaga kinamusta namin, bumaba naman na daw. Hanggang bewang sa kusina nila, nalunod na yung mga goats niya, ang nakaligtaas ung baboy, yung mga aso at kambing wala na,” saad ng direktor
Ayon sa kaniyang lola ay wala umanong nag-abiso sa kanila na magpapakawala ng tubig sa dam kaya nagulat sila maging ang mga kapitbahay.
Panoorin: