--> Direk Bobet Vidanes Ginulat ang Publiko sa Kanyang Pag-Abandona sa ABS-CBN Dahil Lang Pala Dito.. | ChikaTime

Direk Bobet Vidanes Ginulat ang Publiko sa Kanyang Pag-Abandona sa ABS-CBN Dahil Lang Pala Dito..

  Sa balitang kumaklat ngayon sa social media na umalis at nagresign na umano sa noon time show na ‘It’s Showtime’ ang direktor nito na si B...

 



Sa balitang kumaklat ngayon sa social media na umalis at nagresign na umano sa noon time show na ‘It’s Showtime’ ang direktor nito na si Bobet Vidanes ay maraming nagulat sa balitang ito.

 Ayon sa mga ulat, lilipat na raw si Vidanes sa katapat nitong programa na ‘Laugh Out Loud’ sa TV5.




Talagang marami ang hindi pa naniniwala sa balitang ito,ngunit ito ay binasag na ni  Cristy Fermin ang haka-haka at kinumpirma na totoo nga ang mga kumakalat na balita.

Sa kanyang palabas sa YouTube na Cristy Ferminute, dito ay isiniwalat ni Fermin na si Vidanes ay magtatrabaho sa Brightlight Productions.



Ito ay isang kumpanya ng produksyon na pagmamay-ari ni Kongresista Albee Benitez ng Negros Occidental na isa sa pinakamayamang mambabatas sa bansa.

Nasa isang blocktime deal sa TV5 ang Brighlight. Kasalukuyan itong nakikipagtulungan sa mga dating talent ng Kapamilya tulad nina Billy Crawford, Korina Sanchez-Roxas, Ted Failon, Maja Salvador, DJ Chacha, Beauty Gonzalez, Dimples Romana at iba pa.




Mayroong ilang mga balita na nagsasabing baka raw dahil sa offer ng Brightlights Productions kaya nagdesisyong magresign ang direktor. Ang Brightlight Productions ay kasalukuyang nasa isang blocktime deal sa TV5. Nasa ilalim nito ang noontime show na Lough Out Loud na siyang sinasabing lilipatan ni Vidanes.

‘Pag-usapan natin and pagre-resign ng isang director sa ABS-CBN at sa kanyang lunch time show. Si Direk Bobet Vidanes nag-resign! Iniwan ang Showtime. Kompirmado na yan!” saad ni Fermin.

Ayon kay Fermin, ang dahilan umano nito ay ang malaking pagbabago sa ABS-CBN tulad ng sahod at ilan pang mga ipinagbabawal na ngayon ng network.

“Ang simula ng katuparan ng kanyang mga pangarap ay nag-ugat sa ABS-CBN. Hawak kamay sila, walang iwanan…

“Ang dahilan umano ay kinaltas ang kanyang sweldo at napakarami na raw pinagbabawal ang ABS-CBN ngayon,” pagbabahagi nito.





Gayunman, sinabi  niya na tila pagiging traidor ang ginawa ni Vidanes dahil ang ABS-CBN ang naglagay sa katayuan niya ngayon, at ngayon ay iniwan na niya at nagpasya siyang umalis dahil nahihirapan ang network.

Ang ginawang pagreresign umano ni Vidanes ay para raw isang pagtatraydor sa TV network na naging tahanan nito sa loob ng maraming taon..

Minsan, isinaad pa ni Vidanes na sama-sama lamang sila sa It’s Showtime. Labing-isang taon na ngayon ang It’s Showtime na siya ring tagal ng pananatili rito ni Vidanes. 

Kaya naman, tiyak na mamimiss hindi lamang ng mag hosts si Vidanes kundi maging ng mga masugid na manonood ng It’s Showtime.

Noong 2009, napapabalitang nagbanta si Vidanes na iwanan ang It’s Showtime dahil sa hindi pagkakasundo ng host na si Vice Ganda.

Talaga namang ikinalungkot ng mga fans ng It’s Showtime ang paglipat na ito ni Vidanes dahil nasubaybayan nito ang relasyon na mayroon si Vidanes sa mga hosts ng programa at sa mga staff nito.