--> Bunsong Anak ni Super Tekla, Is1nug0d sa Hospital Dahil sa Pangyayaring ito! | ChikaTime

Bunsong Anak ni Super Tekla, Is1nug0d sa Hospital Dahil sa Pangyayaring ito!

  Matatandaan natin na naging laman sa social media ang komedyanteng si Tekla dahil sa ginawang pag reklamo ng kanyang live-in partner na si...

 


Matatandaan natin na naging laman sa social media ang komedyanteng si Tekla dahil sa ginawang pag reklamo ng kanyang live-in partner na si Michelle Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo. Maraming mga paratang si Michelle ngunit sa huli ay nalinis rin ang pangalan ng komedyante.

Ngayon naman ay ibinalita na is1nug0d sa ospital ang sanggol na anak ng kilalang komedyanteng si Super Tekla sa live-in partner na si Michelle.





Sa bagong pahayag ay naibalita na rin na nasa maayos na raw itong kondisyon ngayon ayon mismo sa komedyante.

 Sa isang Facebook post ay inihayag ni Tekla na nasa maayos nang kalagayan ngayon ang anak na si baby Angelo matapos nitong mai-transfer mula sa Emergency room papuntang Recovery ward. Ayon sa mga ulat, isinugod daw ni Tekla ang anak sa ospital.




Kaya naman, malaki ang pasasalamat ng komedyanteng si Tekla sa Panginoon at maging sa mga nagdasal din para sa kalagayan ni baby Angelo. Laking tuwa ni Tekla na mabuti na ang kalagayan ngayon ng bata.

“Sabi ko sa kanya ni minsan di ako nagreklamo sa lahat ng pagsubok na naranasan ko… then pumikit ako sabi ko, lahat kakayanin ko hinding hindi ako magrereklamo wag mo lang pah1h1rapan si ANGGE…





“HE answered and God knows kung ano kahinaan ko at alam niyang bibigay at ikalulump0 ko kaya di nya ako pinahirapan sa anak ko."

“Salamat, Lord, ang sigla na ni Angelo from ER transfer sa Recovery WARD. Lahat normal heartbeat BP oxygen level ginagamot nalang ‘yung ubo niya. LORD SALAMAT.”

Matatandaang ipinanganak ang bunsong anak ni Tekla na may anorectal malformation o walang butas sa puwit. 

Matatandaang humingi dati ng tulong si Tekla upang maoperahan ang anak niyang ito na ipinanganak na mayroong komplikasyon. 

Matagumpay naman na naoperahan ang bunso ng komedyante dahil na rin sa mga tulong na nakalap nito sa mga tao lalo na sa kanyang mga kaibigan sa industriya. 

Sumailalim na sa mga operasyon si Angelo at ibinahagi ni Tekla nitong Setyembre na naging matagumpay ang mga ito.




Minsan nang naibunyag ni Tekla na dahil umano sa bisyo ni Michelle habang nagbubuntis kaya nagkakaroon ng kakomplikasyon ang kanilang anak nang ito’y isinilang.


Dahil sa mga pangyayaring ito kay baby Angelo ay mayroong iilang netizen na naghayag ng pagkabahala na sana raw ay manatili na lamang sa poder ni Tekla ang anak upang maiwasan ang iba pang mga komplikasyon lalo na’t kakaopera pa lamang dito.


Sa pinakuhuling Facebook post na ibinahagi ni Tekla, humihingi pa rin ito dasal mula sa publiko dahil kahit wala na sa peligro ang bata ay mag-isa lamang ito sa recovery ward at hindi umano mawala ang pangamba ng komedyante. 

Dito ay pinasalamatan niya ang mga doktor at nurse na siyang tumutok at nag-alaga sa kanyang anak.

“Maraming salamat sa lahat ng mga doctors at mga nurses ng Philippine Children Medical Center for taking care of my little boy Angelo. GOD Bless. I salute at bigay pugay sa lahat ng mga medical frontliners.”


Reaksyon ng Netizen:






Basahin ang Naturang Post:




Anong masasabi mo kaugnay nito?