Ang Call Center industries ay isa sa pinaka in demand na trabaho ngayon sa ating bansa .Tila isang salbabida sa gitna ng laot ang mga BPO ...
Ang Call Center industries ay isa sa pinaka in demand na trabaho ngayon sa ating bansa .Tila isang salbabida sa gitna ng laot ang mga BPO o business process outsourcing kabilang na sumasagip sa ating mga kababayang nawawalan na ng pag-asa.
Sino nga ba naman ang hindi sasakay sa oportunidad na ito kung ang puhunan lang naman sa trabaho ay dedikasyong matuto at husay ng dila sa pagsasalita ?
Kahit ngayong panahon ng pandemya na ating kinakaharap ay nanatiling matatag ang industriyang ito at patuloy pa rin ang negosyo. Marami sa mga nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang ito ang nagtratrabaho na ngayon bilang isang call center agent.
Kung iniisp ng iba na madaling trabaho lang ito ay nagkakamali sila. Hindi madali ang maging isang call center agent, dahil bukod sa oras ng trabaho na halos lahat ay nasa 'graveyard shift', maraming trainings and evaluations ang kailangang pagdaanan at ipasa.
Kinakailangan na ikaw ay may mahabang pasensya sa pakikipag-usap sa mga customers at bukod sa mahabang pasensya ay kailangan mo ring matutong mag multi-tasking at mag-adopt sa culture at accent ng iyong kausap na customer.
Masakit isipin na may mga taong nilala1t at nililiit ang trabahong ito. Madalas din na nakaka-tanggap ng panlala1t ang mga call center agents, lalo na iyong mga galing sa probinsya at medyo nahihirapang sumabay sa 'accent' na kinakailangan at hinihingi ng kumpanya.
Gaya na lamang ng isang call center agent galing sa Visayas na si Dianne Encinas. Isa siya sa nakaranas ng malungkot na panlalait na tinatawag na 'accent sh@ming' .
Kwento ni Encinas sa kanyang Facebook post, sobrang ikinalungkot at halos maiyak siya sa naging mensahe sa kanya ng dating boss, kung saan tinanong nito ang naganap na promotion niya, ngunit nilait naman siya dahil sa kanyang 'Bisaya accent'.
Ito ang naging pahayag ng kanyang boss :
"Na promote ka pala? Hindi na ba Bisaya ang accent mo?'"
"Hindi ka naman magaling non e. Bisaya ka pa pero congrats pa din. A friendly advise dear. Galingan mo kasi may evaluation yan every month." saad ng boss
Dito ay nasaktan si Dianne at dahil sa sobrang sakit ay ibinahagi niya ang screenshot ng mensaheng iyan ng kanyang dating boss at sinabing hindi naman siya naging pabigat sa team nito non at nasaktan siya dahil tinuring niya itong isang 'mentor'.
"Thank you sa message mo boss. Hindi ko alam pero parang naiiyak ako
Hindi naman ako naging pabigat sa team mo nun. Isa ka sa mga mentors na hinahangaan ko pero parang ang sakit ng message mo sa kin
God bless po.",
Marami namang netizen ang bumatikos sa naging pahayag na ito ng kanyang dating boss.
Reaksyon ng ilang Netizen: