Sadyang may mga tao talaga na mapagmahal sa mga hayop na talagang tinuturin nilang isang kapamilya. Gaya ng mga alagang pusa o hayop,ang ila...
Sadyang may mga tao talaga na mapagmahal sa mga hayop na talagang tinuturin nilang isang kapamilya. Gaya ng mga alagang pusa o hayop,ang ilan sa mga yan ay itinuturing na kapamilya sa mga taong mahihilig sa pag-aalaga ng mga ito.
Kaya naman kung ang mga alaga nating hayop ay malagay sa kapahamakan ay tiyak handa tayong iligtas sila. Gaya na lamang sa pangyayaring ito.
Makikita sa video na pilit nitong ibinuka ang bibig ng buwaya para makawala ang kaniyang alagang aso na si "Gunner."
Ayon sa naging pahayag ng may ari ng aso na si Wilbanks, naglalakad umano sila ng alaga niyang aso na si Gunner sa gilid ng lawa nang biglang sumulpot ang buwaya at kinagat ang aso at dinala sa tubig.
Kaagad namang kumilos at iniligtas ni Wilbanks ang kanyang aso. Lumusong ito sa tubig at hindi inalinta kung mayroon pang mas malaking buwaya sa lawa na nag-aabang.
Pero maliban sa kabayanihan ni Wilbank, napansin din ng mga nakapanood sa video na nagawa niyang iligtas ang alaga nang hindi niya inaalis ang tabbaco sa kaniyang bibig.
Nakuhanan ng video ang pangyayari sa tulong ng camera na inilagay sa lugar ng Florida Wildlife Federation at fSTOP Foundation.
Tinawag ni Wilbanks ang nangyari sa kanila ng kanyang aso na isang "learning experience."
Nagtamo naman ng bahagyang sugat ang aso na si Gunner at ang may-ari na si Wilbanks dahil sa kagat ng buwaya.
Panoorin ang video:
Ano ang masasabi mo tungkol sa
artikulong ito? Huwag mag-atubiling iwanan ang iyong mga reaksyon sa seksyon ng
komento.