--> Super Tekla Umiiyak ng Todo, Hindi Nakatiis at Bumanat sa Kanyang Live-in Partner sa mga Kasinungalingan Umano nito! | ChikaTime

Super Tekla Umiiyak ng Todo, Hindi Nakatiis at Bumanat sa Kanyang Live-in Partner sa mga Kasinungalingan Umano nito!

  Super Tekla ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Nagsisilbi siya bilang isa sa mga host ng "The Boobay at Tekla Show"...

 



Super Tekla ay isa sa mga kilalang komedyante sa Pilipinas. Nagsisilbi siya bilang isa sa mga host ng "The Boobay at Tekla Show" sa Kapuso network.Naging co-host din siya ni Willie Revillame sa Wowowin.

Ngayon ay naging laman sa social media ang naging reklamo ng ka live-in partner ni Tekla dahil sa mga akusasyong binitiwan nito gaya na umano ng hindi pagbibigay ni Tekla ng tamang suporta at ang pamimilit nito na makipags*x kahit ayaw ng babae.



Matapos ang katahimikan ni Tekla ay sa wakas ay nagsalita na si Super Tekla hinggil sa mga seryosong akusasyon na ibinabato laban sa kanya ng kanyang kasalukuyang ka live-in.

Si Michelle Lhor Bana-ag ay nagpunta sa programa ni Raffy Tulfo upang magreklamo tungkol sa hindi pagtanggap ng suportang pampinansyal mula sa komedyante.

Sa isang video na na-upload ng GMA-7 sa YouTube, makikita  na si Super Tekla ay naging emosyonal na nagsasalita at hinaharap ang mabigat na paratang sa kanya ng kanyang ka live-in partner na si Michelle. 




Dito'y pinabulaanan niya ang lahat ng mga akusasyong paghahayag ng kanyang ka live-in partner na walang katotohanan umano ang lahat.

Ayon sa komedyante ay hinding-hindi niya magagawa iyon,binanggit pa ni Tekla na nagmula siya sa isang mahirap na pamilya at mayroon siyang mga kamag-anak na kababaihan din.

May anak din siyang babae at mga kaanak kaya hindi niya magagawa ang mga paratang ni Michelle na kabab*yang ginawa umano ng komedyante.

Nabanggit din ng tanyag na komedyante na ang sinasabi ni Michelle na hindi siya binibigyan ng pera at pinagugutuman ang kanilang pamilya ay hindi totoo. 

Sa katunayan, sinabi niya na gumawa siya ng mga GCash account para sa mas mabilis na paglipat ng pera .



“Binabato mo ako ng isyu na pinipilit kita sa ganyang bagay — usapin yan, Michelle, usapin ng pamilya yan. Isang napakasensitibong usapin yan, Michelle. Sana man lang nag-isip ka. Pinag-isipan mo kung ano ang maapektuhan,” saad ni Tekla

“Hindi totoo yan! Ako, nasa tamang katinuan pa naman ako, hindi ko magagawa yan, Michelle. Utang na loob may anak akong babae Michelle, si Aira, may mga kapatid akong babae ... Mahirap lang kami Michelle sa bukid. Alam mo ang background ng family ko,”  dagdag sabi ni Tekla



Maging ang mga kaibigan ni Tekla na sina Donita Nose,Ogie Diaz at ang manager nito ay nagsalita na rin.

Isiniwalat ng manager ang tunay na pagkatao din ng live-in partner ni Tekla. Sinabi nito na planted ang video na ipinapakita ni Michelle na kung saan ay makikita sa video ang pag-aaway ni Michelle at ng comedian. Planted lamang umano ito para palabasing napakasamang tao nitong si Tekla. Hindi daw nabigay ni Tekla ang hinihingi ni Michelle kaya humantong sa ganito.






Panoorin ang video:




Anong masasabi mo kaugnay ngayon sa mga sinasabi ni Tekla na walang katotohanan ang mga paratang sa kanya?