--> Sino Kaya siya? Joshua Garcia, Deretsahang Ibinahagi ang tinitibok Ngayon ng Kanyang Puso sa Isang Vlog | ChikaTime

Sino Kaya siya? Joshua Garcia, Deretsahang Ibinahagi ang tinitibok Ngayon ng Kanyang Puso sa Isang Vlog

  Si Joshua  Garcia ay isang Filipino aktor na kilalang kilala sa kanyang papel sa primetime series na The Good Son at ang 2016 Metro Manila...

 


Si Joshua  Garcia ay isang Filipino aktor na kilalang kilala sa kanyang papel sa primetime series na The Good Son at ang 2016 Metro Manila Film Festival entry na sina Vince at Kath at James.Maraming tagahanga si Joshua dahil sa galing nito sa pag-arte.

Sa isang vlog ni Erich Gonzales,naging guest niya si Joshua Garcia at hindi nakaligtas ang aktor na si sa mga personal na tanong na ibinato sa kanya ni Erich.



Makikita natin sa vlog na habang abala ang dalawa sa kanilang niluluto ay sadyang hindi na naiwasan pa ng aktor ang ilang mga tanong na nais din malaman ng publiko ang sagot nito.

“Sa mga nanonood, alam ko na po ‘yung gusto niyong itanong. I got you, guys! Ako na magtatanong para sa inyo…

“So kamusta daw ‘yung heart mo ngayon?” tanong ni Erich kay Joshua.

Natatawa namang sinagot na lang ng aktor ang nang-iintrigang tanong na ito ni Erich. Sagot pa nito,

“Okay naman. Tinanong mo naman ako agad ng mga love life, love life… Wala, hindi ko naman siya focus ngayon. Mas focused ako sa sarili ko.


Ayon kay Joshua, mayroon naman umanong tinitibok ngayon ang kanyang puso. Iyon nga lang, hindi ito sa ibang tao.

“Actually I started studying na ulit. Nag-enroll ako recently lang. Plano kong kunin business entrepreneurship. Sayang 'yung time na walang ginagawa eh.”

“Tumitibok para sa sarili ko. Sa ngayon. Hindi pa kasi natin masabi kasi dumadating iyan ng biglaan,” saad ni Joshua.



Ibinahagi at inilarawan na rin dito ni Joshua ang mga katangian o gusto niyang taglayin ng babaeng kanyang hinahanap at makasama niya habang buhay. Isa na sa mga ito ay ang babaeng kaya umano siyang tanggapin ng buong-buo.

Anu-ano nga ba ang iba pang mga katangian na hinahanap niya sa isang babae? 

Ayon kay Josh,nagugustuhan niya rin umano ang mga babaeng maraming alam sa mga gawaing bahay, family oriented, at higit sa lahat ay may takot sa Diyos.

“Gusto ko 'yung matatanggap ako ng buong buo. Simple lang ako sa buhay. Pwede akong tumira sa probinsya, pwede akong tumira sa Maynila. Kung maa-accept niya ako ng buong buo, kaya niyang tumira na kasama ako, 'yung ganun…



“Actually nag-iiba 'yung trip kong babae habang tumatagal. Nag-iiba iyan dahil ikaw mismo ay nagma-mature ka. Ngayon, parang gusto ko 'yung babae din na mahilig magbasa. Iba rin 'yung ganun kasi matuturuan ka rin. Gusto ko 'yung mas mature sa akin,” Kuwento ni Joshua.

Hindi rin maiwasang maitanong ni Erich kay Joshua kung naniniwala raw ba ito na mayroong isang tao na nakalaan para rito. Diretsahan namang sinagot ito ni Joshua,.

“Oo. Kung ako naghahanap ako, may tao ring naghahanap… Feeling ko destiny. Baka ngayon, sinasabi ni God sa 'yo na mag-focus ka muna sa sarili mo. 

“Mas mahalin mo pa muna ang sarili mo para pagdating ng time na nasa relationship ka na, commit ka. Kasi commitment ‘yun, eh. Kailangan magcommit ka din.”

Sinang-ayunan naman ng aktres ang pahayag na ito ni Joshua tungkol sa paghahanap ng taong nakalaan sa kanya. 


“Tama naman, I agree with you. Mayroon talagang taong nakalaan para sa’yo. Sinasabi ko rin ‘to palagi, eh. God has a plan for you, so you just have to wait patiently,” pahayag pa nga ni Erich.

Ang huling kasintahan ni Joshua ay si Julia Barretto.Matatandaan natin na nauwi din sa hiwalayan ang dalawa  isang taon na ang nakalilipas.





Panoorin ang vlog:



Anong masasabi mo kaugnay nito?