Si Lebron James ay isa sa mga pinakasikat na basketball player na talaga namang hinahangaan ng napakaraming mga taong mahihilig sa sports ...
Si Lebron James ay isa sa mga pinakasikat na basketball
player na talaga namang hinahangaan ng napakaraming mga taong mahihilig sa
sports na ito . Siya ay isang professional basketball player na nasa koponan
ngayon ng Los Angeles. Itinuturing siyang “greatest basketball player in NBA
history” at inihahalintulad pa kay Michael Jordan.
High school pa lamang ay nagbabasketball na si LeBron James.
Isa ring mahusay na football player si James.Matatandaan natin na bago siya
mapunta sa koponang LA Lakers, siya ay naging star player ng Cleveland Cavaliers
at Miami Heat.
Hindi na rin mabilang ang kaniyang parangal sa larangan ng
basketball kagaya ng “Most Valuable Player” o MVP at tinagurian pa siyang “Face
of NBA.”
Nag viral sa social media at kinaaliwan ng mga netizens ang Facebook post
ng netizen na si “Dong Corpuz”, matapos niyang
ibahagi ang mga larawan ng “kalokalike” ni LeBron James, na naispatan niya sa
simbahan ng Quiapo.
Sa isang post ng netizen,pabirong caption niya:
“Si LeBron
nagsimba muna sa Quiapo para sa game 4 hahahahaha.”
Kung ating titingnan nang pabiglaan ang larawan ay tila kamukhang-kamukha nga ng naturang lalaki si LeBron James sa kaha ng katawan nito, subalit nakatakip kasi ito ng face mask. Hindi rin nakilala o nakuha ang pagkakakilanlan ng naturang lalaki, na kung pagbabatayan ang kanyang get up, ay maakala ding isang basketball player ito
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon at komento mula sa
mga netizens.May netizen din na nagkomento na “bumili po siya ng charger after magsimba”
kasabay ng larawang kanyang ibinahagi na ito.
Astig! LeBron na Lebron! Sino kaya siya?Sa tindig at kulay, kamukhang-kamukha talaga niya si Lebron James.