--> Sa Wakas! Sarah Geronimo, Nagsalita na Kaugnay sa Pagtrato sa kanya ni Mommy Divine Bago Siya Ikasal kay Matteo Guidicelli | ChikaTime

Sa Wakas! Sarah Geronimo, Nagsalita na Kaugnay sa Pagtrato sa kanya ni Mommy Divine Bago Siya Ikasal kay Matteo Guidicelli

  Kamakailan lamang ay matatandaan natin na naging laman sa social media ang hindi pagkakaunawaan ng singer-actress na si Sarah Geronimo at ...

 


Kamakailan lamang ay matatandaan natin na naging laman sa social media ang hindi pagkakaunawaan ng singer-actress na si Sarah Geronimo at ang nanay nito na si Mommy Divine.

Ngayon ay naging handa na si Sarah na maayos na ang kanilang hidwaan at handa nang makipagkasundo kay Mommy Divine.

Ayon kay Sarah na sa panahon ngayong pandemic ang mahalaga ang magkakaisa ang bawat tao.





“Sa panahon ngayon, walang dahilan para magmalaki. It's very important that you remain humble and forgiving and helpful sa isa't isa. Ano ang makukuha natin pag binash pa natin ang isa't isa,dapat ang inaatupag natin eh ano ba yunh paraan para matulungan natin ang isa't isa lalo pa sa panahon na meron tayo ngayon”

Sa isang virtual press press conference kasama ang insurance company Manulife ay dito’y natalakay ni Sarah ang kanyang mga magulang na sina Mommy Divine at ang kanyang ama na si Delfin.

Pinuri ni Sarah ang kanyang mga magulang sa paraan ng pagmamahal at pag-aalaga sa kanya bago siya ikasal kay Matteo Guidicelli.

Ayon sa singer-actress na si Sarah, tinitiyak umano ng kanyang mga magulang, lalo na si Mommy Divine na gawin ang lahat na magagawa nila upang makapag-focus si Sarah sa pagganap bilang isang mang-aawit, artista at endorser.







“To be honest, na-expedite ‘yung adulting ko. Ngayon ko lang na-experience how to handle my own finances, how to budget, how to invest. “

"Ang mama ko po talaga kung kaya niya gawin lahat, gagawin niya para sa mga anak niya para lang hindi maistorbo ang mga anak niya. Ganun siya ka-loving sa mga anak niya, so ngayon natututunan ko na lahat, with the help of my husband. "

“I grew up na very dependent talaga sa aking parents, kasi talagang grabe naman talaga mag-alaga ang aking mama and daddy. I keep reminding myself now na hindi na ako single,”  saad ni Sarah

 






Anong masasabi mo kaugnay nito?