Matatandaan natin na nagtrending sa social media ang hiwalayan nina Buboy Villar at Angillyn Gorens.Tinapos na nila ang kanilang relasyon ...
Matatandaan natin na nagtrending sa social media ang hiwalayan nina Buboy Villar at Angillyn Gorens.Tinapos na nila ang kanilang relasyon at ito’y ikinagulat ng maraming netizens lalo na sa mga fans
Sa wakas ay nagsalita na rin si Buboy Villar kung bakit sila
nagkahiwalay. Matatandaan natin na Kinumpirma na dati ni Buboy sa publiko na
sila ay hiwalay na ngunit hindi niya inilahad noon ang mga dahilan o nagbigay
ng anumang paliwanag para sa breakup.
Sa panayam sa GMA,sinabi ng aktor na halos dalawang taon na
silang Angillyn na hindi na nagkakamabutihan sa kanilang relasyon kaya
nagdesisyon na lamang sila na putulin nalang.
"Actually po, two years na po kasi kaming wala rin
talaga 'no so nag-decide lang po talaga kaming dalawa 'no. Although marami nga
nagtatanong at nag-e-expect pa rin po 'yung ibang tao na kami. Siguro dapat
talagang malaman din ng iba kasi nga ayaw ko rin naman na parang ma-stress nga
si Angillyn kasi nga ang daming nagtatanong, although hindi naman din siya
masyadong ma-social [media] kasi nga ganun nga 'yung parang buhay niya doon.
Parang lagi siyang nagtatrabaho. So nag-decide kami na sabihin sa public."
Pinaliwanag din ni Buboy na ang pinakamagandang bagay ay
pareho silang okay at napag-usapan na nila ang mga bagay-bagay tungkol sa pagpapalaki
ng kanilang mga bata na nasa edad tatlo at isa.
Anong masasabi mo sa hiwalayan nilang ito?