Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Filipina model, beauty queen, host at artista. Siya ang naging 1992 Look of the Year - Philippi...
Si Sharmaine Ruffa Rama Gutierrez ay isang Filipina model, beauty queen, host at artista. Siya ang naging 1992 Look of the Year -
Philippines, Binibining Pilipinas World 1993 at Second Runner-up ng Miss World
1993.
Sa isang episode ng "Magandang Buhay" ay naging isang espesyal na panauhin si Ruffa Gutierrez. Dito ay napag-usapan nina Ruffa ang tungkol sa kanyang mga minamahal na anak na babae na sina Lorin at Venice Gutierrez.
Hindi na napigilan pa ni Ruffa Gutierrez ang sarili na maging emosyonal matapos marinig ang mensahe ng pasasalamat mula sa kanyang dalawang magagandang anak.Talagang napaiyak si Ruffa.
"We are very grateful for you. We appreciate everything you do. Even if we don't show it most of the time, we both love you so much," saad niVenice sa ina.
"I'm super grateful, especially 'cause my mom is really
emotional because it's my last year of high school ... But just know when I do
move to the next chapter of my life, there's gonna be no one I miss more than
you. And even if we are far away, even if you think because we are far away
we're not going to text you, we are still going to text you for everything.
That's not going to change and I know that because you still text lola for
everything. So we are super grateful and we love you so much," dagdag sabi ni Lorin
Si Lorin ay magtatapos ng high school at
nagpasyang pumunta na sa US para sa kolehiyo.
Naging emosyonal ang aktres at tumulo ang luha habang
pinag-uusapan ang desisyon ni Lorin, na ipinapahayag ang kanyang pagmamahal at
pagpapahalaga sa kanyang anak na babae.
"Ngayon iniisip na nila kung saan sila magka-college,
kung magka-college sila sa abroad. “So, thank you so much girls, I love you so
much and I know, you know that in everything I do, I do it for you. Oh my God!
Ano ba 'yan. 'Yung lashes ko natatanggal,” saad ni Ruffa
Isang payo naman ang ibinigay ni Ruffa sa kanyang mga anak.Pinaalalahanan niya ito para sa magiging future husband ng kanyang mga anak.
"Pumili kayo ng lalaking mamahalin kayo 'yung mabuti, God-fearing... para when you get married, your marriage will be forever" saad ni Ruffa.
Si Ruffa ay isang single mother, noong 2012 ay tuluyang napawalang bisa ang kasal nina Ruffa sa ama nina Lorin at Venice.
Panoorin ang video: