Talagang isang mainit na usapin na ngayon sa showbiz ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng komedyanteng si Tekla matapos na ilabas ng liv...
Talagang isang mainit na usapin na ngayon sa showbiz ang kontrobersiyang kinasasangkutan ng komedyanteng si Tekla matapos na ilabas ng live-in partner nitong si Michelle Bana-ag ang mga pasabog na rebelasyon patungkol sa kung paano siya itrato ng komedyante.
Bukod sa mga nauna nang nagsalita upang ipagtanggol si Tekla, isang dating kasamahan nito sa comedy bar ang nagbahagi ng kanyang saloobin .
Naglabas na rin ng saloobin ang nakakasama noong performer ni Super Tekla sa dating pinapasukan nitong comedy bar na si Rowell Quizon kung gaano kamahal ni Tekla ang live-in partner nitong si Michelle Lhor Bana-ag
Ayon pa sa apo ni King Dolphy na si Rowell ay halos tagasalo pa umano ni Michelle si Tekla ng di umano'y mga pinapasok nitong gusot . Maraming mga kagaguhan umanong ginagawa itong si Michelle at si Tekla ang nasisira sa mga pinag-gagawa nito.
Si Rowell Quizon ay isang singer at performer na nakakasama noon ni Tekla sa comedy bar Naglabas na rin siya ng kanyang pahayag patungkol sa isyu na kinasasangkutan ng komedyante na tila galit pa itong si Rowell sa mga kasinungalingan umano nitong si Michelle
Ayon sa kanya, nasaksihan niya kung paano tinrato ni Tekla ang live-in partner nito na si Michelle.
Kwento pa nito na sa kabila ng pagkakaroon ng karelasyong babae ni Michelle, tinanggap umano ito ni Tekla
Matapos mag post si Rowell sa kanyang Facebook ay nagkomento naman ang manager umano ng Comedy bar na pinagtrabahuan ni Tekla,
Nakasaad sa isang post na diumano ay ginamit ni Michelle ang telepono ni Tekla nang hindi nito alam upang makapangutang ng pera sa kanya.
habang tumatagal, dahil sa mga inilabas na mga testimonya ng ilang taong nakasama ng komedyante, unti-unting nabaling ang simpatya ng publiko kay Tekla
Upang mapatunayan na totoo ang mga alegasyon ni Michelle laban kay Tekla ay handa umano siyang sumailalim sa lie detector test at pagsusuri kung siya ay
gumagamit pa ng pinagbabawal na gamot
Basahin ang Post: