Si Raffy Tulfo ay isang mamamahayag at host ng programa, siya ang pinakatanyag sa kanyang programa sa YouTube na may milyun-milyong mga su...
Si Raffy Tulfo ay isang mamamahayag at host ng programa, siya ang pinakatanyag sa kanyang programa sa YouTube na may milyun-milyong mga subscribers.
Siya ay isa sa mga batikang broadcast journalist ng bansa. Mas lalong nakilala itong si sir Raffy sa kanyang serbisyo publiko sa pamamagitan ng programa niyang 'Raffy Tulfo in Action' at sa programang 'Wanted sa Radyo' .
Naging mahal siya ng marami dahil marami na siyang natulongan.Handa siya sa pagtulong sa ordinaryong tao na makakuha ng hustisya laban sa mga taong nagsasamantala sa kanila.
Kilalang tao si sir Raffy na takbuhan at bukang-bibig ng mga taong may mga problema lalo na ang mga taong nangangailangan at ang mga inagrabyado.
Sa programang Idol in Action Mediacon ay nagbigay ng ilang mga nakakagulat na paghahayag si Raffy Tulfo tungkol sa kanyang buhay at dito'y napag-usapan ang kanyang kalusugan.
Ayon sa kuwento ni sir Raffy, siya umano ay hiniling ng kanyang cardiologist na magretiro na mula sa kanyang matinding gawain para sa kapakanan ng kanyang kalusugan.
Ayon sa doktor, ang puso ni sir Raffy ay maaaring mas maapektuhan sa mga negatibo,nakaka stress, at mga kontrobersya na problema na hinaharap ni sir Raffy araw-araw sa kanyang palabas. Ito ay nagdadala ng mas delikado ng kanyang puso.
Gayunpaman, sinabi ng sikat na mamahayag na hindi pa siya handa na magretiro sa kabila ng panganib nito dahil mahal niya at nasisiyahan siya sa kanyang trabahong ito na tumulong sa mga taong nangangailangan at inagrabyado.
"One of my cardiologists called me up. Kung puwede, mag-retire na raw ako. Stop ko raw muna itong ginagawa ko dahil napakinggan at napanood niya yung estilo ng programa ko. "
"Sabi niya, eventually, baka tatamaan ka sa puso. Sabi ko sa kanya, ‘I know, but that really makes me happy. Meaning, nag-e-enjoy ako sa trabahong ito. "
"So kahit na may stress, nababawasan ang time, gusto ko naman talagang gawin iyon in the first place… "In fact, I’ve been seeing a lot of doctors about my health, and karamihan sa kanila, sa mga doktor na pinupuntahan ko, sinasabi that’s part of your stress."
"Now, paano ko nama-manage yung aking stress? Kailangan may pagmamahal ka sa iyong trabaho kasi kapag mahal na mahal mo ang trabaho mo, kahit mahirap pa iyan, kahit gaano kakumplikado iyan, at least, nakakabawas yung stress ng job na ‘yon because you love it,”
Yan ang pagbabahagi ni sir Raffy sa Publiko.
Panoorin ang video na ito: