Ano nga ba ang buhawi? Ano nga ba ang dapat nating gawin kapag magkaroon ng buhawi? Sadyang mapanganib ang buhawi o ipu-ipo. Ang buhaw...
Ano nga ba ang buhawi? Ano nga ba ang dapat nating gawin
kapag magkaroon ng buhawi?
Sadyang mapanganib ang buhawi o ipu-ipo. Ang buhawi ay umiikot na kolumna ng hangin na dumarapo o sumasayad kapwa sa kalatagan ng lupa ng daigdig at ng isang ulap na kumulonimbus, o sa hindi kadalasang pagkakataon, sa paanan ng isang ulap na kumulus.Ang buhawi ay nabubuo sa ibabaw ng lupa samantalang and ipo-ipo naman ay nabubuo sa ibabaw ng tubig.
Isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap sa Sta.Barbara, Pangasinan dahil tumama rito ang isang buhawi. Nasira ang mga kabahayan sa Sta.Barbara dahil sa pananalasa ng buhawi dito.Pinadapa rin ng malakas na hangin at ulan ang ekta-ektaryang palayan doon.
Sa ulat ng GMA News ay nabagsakan ng malaking kawayan ang
bahay ng pamilya Parucha sa Sta.Barbara Pangasinan ng manalasa dito ang buhawi.
Nagtamo ng sugat sa ulo ang ina na si Belen Parucha at na kuryente naman ang
kanyang mister na si Carlito.
Ayon kay nanay Belen ay nagluluto lamang siya nang biglang lumakas ang hangin.Nanginginig na raw siya sa takot at walang ibang ginawa kundi magdasal na lamang.Mabuti na lamang at walang malalang nangyari sa kanilang pamilya nang mabagsakan ang bahay nila ng malalaking kawayan.
Nagpaabot naman ng tulong ang barangay sa mga apektadong
residente.
Ayon sa state weather bureau na PAGASA, natural lang na
magkaroon ng buhawi sa bansa, na nangyayari kapag may thunderstorm na nagdadala
ng mainit at mamasa-masang hangin na naghahalo sa tuyong hangin.Kapag malakas
ang buhawi kaya nitong tangayin ang mga bahay.
Ipinayo ng PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario na maghanap ng matibay na masisilungan gaya ng bahay o gusali na walang bintana.Kung nasa mataas na gusali, dapat daw bumaba sa unang palapag.Makakatulong din kung dumapa sa ilalim ng isang matibay na mesa.
Narito ang ibang detalye:
Hindi natin alam ang mga pangyayaring magaganap sa ating buhay araw-araw,kaya mas maigi na maging handa tayo sa anumang pagsubok na darating.