--> Netizen,Ginalit si Idol! Raffy Tulfo, Ibinanggit ang Pangalan ng Netizen na Nagkomento na Talagang Ikinagalit niya | ChikaTime

Netizen,Ginalit si Idol! Raffy Tulfo, Ibinanggit ang Pangalan ng Netizen na Nagkomento na Talagang Ikinagalit niya

  Matatandaan natin kamakailan ay dumulog nga si Michelle Bana-ag ang live-in partner ni Tekla sa programa ni Idol Raffy para ireklamo ang k...

 

Matatandaan natin kamakailan ay dumulog nga si Michelle Bana-ag ang live-in partner ni Tekla sa programa ni Idol Raffy para ireklamo ang komedyante sa hindi umano maayos na pagbibigay nito ng sustento sa kanilang pamilya.

Ayon sa reklamo ni Michelle, hindi daw nagbibigay ng pera si Tekla sa kanila para pambili ng pangkain kung hindi daw siya papayag na makipagtal1k sa kaniya. Sa mga akusasyon ni Michelle, nahati naman ang mga pahayag ng netizens.



 Ang ilan ay sumusuporta kay Michelle samantalang marami ang nagbigay ng simpatya para sa komedyante.

Marami ang dumepensa naman sa komedyante gaya nina Donita Nose, Ogie Diaz, manager ni Tekla na si Rose Conde maging ang mga katrabaho ni Tekla sa comedy bar ay dumepensa na rin.

Sa bagong episode ng programa ni Raffy Tulfo na "Wanted sa Radyo", muli niyang nakausap si Michelle Lhor Bana-ag.

Samantala, sa nasabing episode, naibahagi ni Michelle na nagkaayos na daw sila ni Tekla para na din sa kapakanan ng kanilang anak na si baby Angelo.




Maraming netizens ang natuwa nang malaman na nagkaayos na ang dalawa, gayunpaman, may ilan na hindi sumang-ayon dito at sinabi na baka abusuhin na naman ni Michelle at ng kaniyang pamilya ang kabaitan ni Tekla sa kanila.

Sa hindi inaasahan ay ipinahayag din ni Idol Raffy ang kaniyang galit at pagkadismaya sa mga netizens na patuloy sa pagbatikos kay Michelle at nagtatanggol kay Tekla.

Dito ay hinamon ni sir Raffy ang mga online troll na hamunin umano si Tekla na magpa dru6 test at lie detector. Ayon pa kay Raffy kung hindi man nila mahamon ang komedyante ay ibig sabihin lamang nito na planted o troll sila sa kabila.



"Makinig ka Candy Sanako masusupalpal kita dito" Sabihin na natin malaki ang utang na loob so kung ganun pala pwede ng babuyin itong si Michelle yan ba ang inyong ibig sabihin?

"Nagpapakanda halata ka miss Candy Sanako. Ano ka bang klaseng netizen? Bayaran ka ba? or ikaw ay planted nung kabila? Hindi nga nagag4lit na ako."

"Eto ham0n ko sa mga troll, bat di niyo hamunin ni Tekla na magpa dru6 test mag pa lie detector."

"Hamunin niyo si Tekla, sige nga pag di niyo kayang hamunin ibig sabihin planted kayo sa kabila."


May netizen din na nagcoment kay sir Raffy na.dismayado din siya s
a bagong episode na vlog ni sir Raffy na ina-upload sa youtube.

"inaantay ko dito yung sinabing mga trolls yung kumakampi kay tekla. Grabe almost 3 years na ko nakasubaybay nagpakapuyat. khit nasa biyahe papasok sa work naka earphone para lng mapanood at mapakinggan ang rtia.. ending troll pala ko.. planted daw.. bakit inedit sana pinakita dito yung sinabing trolls kme.. sobrang nakakadissappoint.."

Si Raffy Tulfo ay isang mamamahayag at host ng programa, siya ang pinakatanyag sa kanyang programa sa YouTube na may milyun-milyong mga subscribers.

Siya ay isa sa mga batikang broadcast journalist ng bansa. Mas lalong nakilala itong si sir Raffy sa kanyang serbisyo publiko sa pamamagitan ng programa niyang 'Raffy Tulfo in Action' at sa programang 'Wanted sa Radyo' .



Anong masasabi mo kaugnay nito?