Matapos ang kanyang kontrobersyal na pahayag tungkol kay Baby River Nasino, ang tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority...
Matapos ang kanyang kontrobersyal na pahayag tungkol kay Baby River Nasino, ang tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na si Celine Pialago noong Lunes ay humingi ng paumanhin sa ina ng yumaong sanggol, ang nakakulong na aktibista na si Reina Mae Nasino.
Nag viral ang isang facebook post ni MMDA Spokesperson Celine kung saan ay pinahayag ni Spokesperson Pialago sa social media ang kanyang mga saloobin kaugnay sa burol ng anak ng aktibistang si Reina Nasino.
Nagpost ito sa social media upang punahin ang mga taong nakikiramay sa nakakulong na aktibista na si Reina Mae Nasino, na kung saan ang mga larawan sa libing ng kanyang sanggol ay nag-viral sa online.
“Nagso-sorry ako doon sa mga grieving mothers, to Reina also. Ako po ay personally na nakikiramay,” saad ni Pialago
Gayunpaman ay sinabi ni Spokesperson Celina na hindi niya babawiin ang kanyang pahayag na inihahalintulad ang pagbuhos ng simpatiya kay Reina at sa kanyang anak na babae sa isang "drama serye."
“Hindi ako magwi-withdraw. Pero gusto kong ma-emphasize ‘yung salitang dramaserye. Na-highlight kasi ng netizens natin sa Facebook tila ba binabatikos ko ‘yung paghihinagpis ni Reina,” saad niya.
“Ang pino-point out ko sa ‘dramaserye’ ay ‘yung mga kababayan natin na kina-capitalize nila ‘yung issue of a grieving mother,” dagdag sabi
Ayon naman kay Spokesperson Celine , ang kanyang komento ay kanyang sarili opinyon lamang at hindi bahagi ng kanyang tungkulin bilang tagapagsalita ng MMDA.Sinabi pa niya na nais lamang niyang impluwensyahan at turuan ang publiko tungkol sa isyu.
“Nagsasalita ako simula noong nagkaroon ako ng knowledge noong pumasok ako sa Reserved Force. So nalaman ko ‘yung pros and cons, yung pag-handle ng ganitong high profile cases,” saad ni Celine.
“On a positive note, I want to educate people,” dagdag sabi
Para kay Pialago, dapat muna magkaroon umano ng kaalaman ang publiko tungkol kay Reina Mae at sa kanyang kaso bago sila mag simpatya nito.
“That’s why I said, bago kayo sumimpatya alamin niyo muna, tignan niyo muna sino ba si Reina," saad niya sa GMA News.
“’Yung tinutukoy ko po so dramaserye ay ‘yung mga taong sumisimptya sa sitwasyon niya para maka-capitalize ‘yung sarili nilang interest,” saad ni MMDA Spokesperson
Si MMDA Spokesperson Celine Pialago ay isang dating beauty queen. Siya ay sumasabak sa beauty pageant at isa ring sharp-shooter. Sumali siya sa mga pageant / beauty contest tulad ng Miss Philippines Earth at Pinay Beauty Queen Academy .
Anong masasabi mo kaugnay nito!