Marami tayong mga pagsubok sa buhay na hinaharap natin sa araw-araw.Hindi man ito madali ay dapat hindi rin tayo mapanghinaan ng lakas ng ...
Marami tayong mga pagsubok sa buhay na hinaharap natin sa araw-araw.Hindi man ito madali ay dapat hindi rin tayo mapanghinaan ng lakas ng loob na lumaban sa ating buhay.Huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil may tamang panahon para sa atin at darating din ang araw na ito'y makakamit natin ang ating pangarap.
Marami ang na inspired sa isang online seller na si Edna Chico ng Barangay Poblacion, bayan ng Malilipot, Albay. Siya ay naging doktor na sa kanyang pagsisikap.Hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan para maging doktor.
Pero nang pumasa siya ng Physician Licensure Exam ay walang mapasidlan ang kaniyang saya. Maluha-luhang ikinuwento ni Edna ang kanyang pagsisikap para maabot ang kanyang pangarap maging doktor.
"Dreams do come true. Gaano man kahirap, gaano man
ka-imposible, basta't handang magsakripisyo at magsumikap na maabot ito," saad
niya
Sa ulat ng ABS-CBN , itong si Chico ay ikalawang beses na kumuha ng exam nang hindi pumasa noong nakaraang taon. Kuwento niya, elementarya pa lang siya nang mangarap maging doktor, pangarap na dala-dala niya hanggang sa mag-aral ng pre-med sa kursong medical technologist.
Tinustusan ang 4 na taon niyang pag-aaral sa tulong ng ama na nangibang bansa. Nang magtapos sa kolehiyo, agad naman siyang pumasa sa Medical Board of Technologist exam.Pero ang pangarap na maipagpatuloy ang pag-aaral ng medisina ay hindi na natupad dahil sa pinansiyal na pangangailangan.
Huminto na rin
kasi sa pagtatrabaho abroad ang kaniyang ama nang magkasakit umano ito sa baga.
"Ang mahal kasi ng tuition talaga. Nasa P45,000
'yung tuition that time. Sabi ni mama, saan naman daw kami kukuha ng ganu'n. So
talagang frustrated ako. Ang sama ng loob ko. Wala na. Wala na 'yung dream ko.
No choice na talaga," saad ni Chico.
Kaya naman nagdesisyon siyang makipagsapalaran sa ibang bansa at magtrabaho doon.Matapos ang 7 taon niyang pagtatrabaho ay bumalik din ng Bicol matapos makapag-asawa at manganak.Isang taon matapos ang panganganak ay nagdesisyon siyang muling magtrabaho sa ibang bansa para makapag-ipon at makapag-aral ng medisina.
Nabigyan naman siya ng pagkakataon na makapag-aral ng
medisina sa tulong ng scholarship program ng isang medical school sa Albay.Suportado naman si Edna ng kanyang pamilya sa kanyang pangarap na ayon pa sa kanya na ang kanyang nanay ang kanyang prayer warrior.
Pinagsabay-sabay niya ang pagiging nanay, pagtatrabaho
bilang medical technologist at pagtitinda ng kung ano anong produkto at pagkain
para masuportahan pa rin ang iba niya pang pangangailangan sa pag-aaral.Halos maluha-luhang nagkuwenta si Dr.E
"So talagang nag-start ako sa med school nagtinda na
rin ako ng kahit ano-anong produkto o pagkain. Pinasok ko na ang online
selling," kuwento niya.
"Hanggang ngayon nagtitinda pa rin ako. Kailangan ko
kasi ng extra income. Ang bag ko talagang laging puno ng paninda. Actually
nahirapan din ako na pagsabay-sabayin lahat pero, di ba, kapag talagang gusto
mo matupad ang pangarap mo, talagang kailangang magsakripisyo."
Nagbunga rin ang lahat ng kaniyang paghihirap at sakripisyo.
Ganap na siyang isang doktor, labis ang kaligayahan at pasasalamat niya na ang
pangarap na akala niya noo'y napaka-imposible ay nakamit na niya.