--> Mga Batang Nag-Oonline Class sa Puno,Binulabog ng Kobra! | ChikaTime

Mga Batang Nag-Oonline Class sa Puno,Binulabog ng Kobra!

Ang mga ahas/kobra ay mahaba at walang hitang mga reptilyang karnibora . Ito ay maitatangi mula sa mga butiking walang hita sa kawalan ng mg...




Ang mga ahas/kobra ay mahaba at walang hitang mga reptilyang karnibora . Ito ay maitatangi mula sa mga butiking walang hita sa kawalan ng mga takipmata (eyelid) at panlabas na tenga sa mga ahas.

Viral sa social media ngayon ang mga batang mag-aaral na kung saan ay nabulabog ang online class ng mga mag-aaral na nakapuwesto sa "signalan" o lugar kung saan malakas ang signal ng internet .

Binulabog ng isang Philippine cobra ang ilang estudyanteng lumalahok sa online class sa Bato, Catanduanes.



Tinaguriang "near threatened" species ang Philippine cobra kaya pinabayaan na lang ng mga estudyante na makaalis ito sa lugar.

Ayon sa kumuha ng retrato na si Dexter Chavez, nasa online class sila bandang alas-11 ng umaga nang mapansing may ahas na nakasuksok sa isang puno sa lugar.

Natakot umano sila sa ahas kaya agad lumayo sa lugar.



Nanawagan naman ang mga mag-aaral ngayon sa barangay na linisin ang lugar dahil kailangan nilang makadalo sa kanilang klase at makaiwas sa posibleng kapahamakan.

Mahalagang maging mapagmatyag tayo sa paligid. Una sa lahat tandaan na manatiling kalmado at huwag mag-alala. Karamihan sa mga ahas ay agresibo pagkatapos lamang ng isang paghihimok, kaya huwag abalahin sila. Huwag subukang patayin o makuha ang isang ahas na buhay, at dapat mo ring alalahanin ang isang patay na ahas dahil maaari rin itong maging sanhi ng envenomation.




Reaksyon ng ilang netizens:








Anong masasabi niyo kaugnay nito?