--> May Bagong Lumantad at Dito'y Inihayag ang Tunay na Ugali at Pagtrato ng Komedyanteng si Tekla | ChikaTime

May Bagong Lumantad at Dito'y Inihayag ang Tunay na Ugali at Pagtrato ng Komedyanteng si Tekla

Tila hanggang ngayon ang hindi pa tapos ang mga isyung kumakalat ngayon sa social media kaugnay sa kinakasangkutan ng komedyanteng si Tekla ...



Tila hanggang ngayon ang hindi pa tapos ang mga isyung kumakalat ngayon sa social media kaugnay sa kinakasangkutan ng komedyanteng si Tekla matapos lumapit ang ka live-in partner ni Tekla na si Michelle Bana-ag.

Talagang napakasens1t1bong mga paratang ang inilhad ni Michelle laban kay Tekla.Ngunit sa kabila pa nito ay maraming personalidad ang naglabas ng kani-kanilang mga opinyon upang depensahan ang komedyante.



Isa sa mga nagtanggol kay Tekla ay ang kanyang kaibigan na sina Donita Nose, Ogie Diaz, maging ang manager nito na si Rose Conde, Maging ang apo ni Dolphy na si Rowell Quizon.

Ngayon naman ay ipinagtanggol si Tekla ng kanyang personal assistant (PA) na si Alvin.

Sa kanyang Facebook post ay dito na ibinunyag ni Alvin kung papaano siya tratuhin ng komedyanteng si Tekla.

Ayon kay Alvin, tatlong taon na siyang nagtatrabaho kay Tekla kaya alam niya ang ugali nito. Alam din niya kung ano ang naging sitwasyon nila ni Michelle.



Sa kuwento ni Alvin ay hindi raw siya tatagal ng tatlong taon kay Tekla kung hindi ito mabuting tao.

Dagdag pa niya, kahit noong mga panahong nagbibisyo pa raw si Tekla ay hindi niya ito nakita ni minsan na gumamit ng ipinagbabawal na gamot. 

“He teach me na "sisirain lang buhay mo nun, mapapariwala ka." Tinatago niya sa akin,” sabi ni Alvin.

Parang kapatid na raw ang turing sa kanya ng komedyante kaya pati sa pagkain ay magkasabay sila. Kahit sa mismong kaarawan niya ay mismong si Tekla ang may sagot.



Ibinunyag di ni Alvin rito kung gaano ka-martir itong si Tekla dahil hinayaan lang nito si Michelle matapos malamang niloloko lang siya.  

“Nahuli niya nang may Jowa ito kahit sila, sasabihin niya na lang sa akin "atleast safe siya, hindi mabubuntis ng iba si Michelle." 

Kwento pa ni Alvin, kahit noong buntis si Michelle ay patuloy parin ang bisyo nito kaya nagkaroon ng sakit ang baby pagkapanganak. Si Michelle ang may kasalanan kung bakit ang kanilang sanggol ni Tekla ay nagkasakit.

Sa bandang huli ng kanyang post ay nakiusap ang assistant ni Tekla na si Alvin na tigilan na ang panghuhusga kina Tekla at Michelle.



“Iwas na tayo mga serrr/mam sa pang-jujudge sa dalawa. Iyong simpleng memes kala nyo nakakatawa pero nakakasakit na din kayo. Hindi nyo po sila kilala ng lubusan, hnd nyo po sila nakasama ng matagal,” saad ni Alvin.


Narito ang buong post ng Personal Assistant ni Tekla na si ALVIN:


“Flex ko lang po ung boss ko ng 3 years na sinasabi nyong "PANGIT PALA UGALI" at "PALA-EUT"

Personal Assistant po ako ni Super Tekla for 3 years may special appearance pa po ako sa bday ni Tekla sa #Tbats. Sobrang layo ng pagkakadefine at judge nyo po sa kanya base lang po sa video na yun mga serrr/mam.  Nasanay kasi tayo kung sino ang nag-vivideo siya itong tama, siya itong biktima which is maling-mali po. 

Dahil ako parehas ko pong kilala sila Mich at SuperTekla. At sa tatlong taon na yon kilala ko sa dalawa ung dapat nyo pong panigan. Hindi po ako tatagal ng tatlong taon kay SuperTekla kung hnd siya mabuting tao although may pagkamalditah talaga si Boss minsan kc nga naman sa akin din ung dahilan. 

Magagalit yan pero agad ka niyang papatawarin. Kahit ganun siya alam ko sa puso ko itong taong ito kapatid turing sa akin kahit hnd niya po ako ka-ano-ano, na nasa mabuti akong tao.

Parang kuya ko siya, ganun po. Pati po sa pagluluto siya minsan nagluluto sa condo at ako po ang namamalengke kasi sa tatlong taon na yon po never ko nakita inasikaso at naging "asawa" ang turing ni Mich kay Tekla. 

Kakain kami niyan sa labas, lagi ako sasabihan ni Tekla na "kumain ka pa,order ka pa".

Nung pasko kami lang magkasama niyan sa condo po. Roadtrip lang kami QC to Paranaque vice versa kasi balak niya kasama si Mich sa pasko, pero ang ginawa ni Mich, hnd niya sinasagot tawag nun. Hindi niya pinipilit si Mich sa anuman ayaw nito. Kaya kesa ma-stress uwi na lang kami condo.

Tulog lang siya. Nandyan po ung pic nung date sa car. Uuwi sana ako sa amin sa Cavite but I choose to stay n lng po that Christmas po, iyong mga Christmas decor po nung sa lates video niya ako po nagdikit nun, nung 2019 pa un eh.




Hindi ako makakasakay ng eroplano without Tekla po. Davao ang first destination namin nun. Nalibot ko po ang Pinas dahil sa kanya. Hindi siya madamot sa blessings niya na narereceive. Siguro nagkataong Pandemic nga ngayon at lahat naman problema ang pera kaya ito ang nangyari ngaun. Kumbaga po sa buhay ung alon hindi naman payapa lagi.

*****

Gaano niya kamahal si Michelle? Iyon ung nahuli niya nang may Jowa ito kahit sila, sasabihin niya na lang sa akin "atleast safe siya, hindi mabubuntis ng iba si Michelle." Gaanun siya kamartir at love po si Mich.




****

Gaano niya kamahal si Michelle? Iyon ung pinagbabawalan na niya ito sa bisyo kasi nga buntis pero hnd pa rin tumigil. Ang nangyari nung nanganak siya Nagka-Birth deffect ung baby. Pero hnd niya sinisisi si Michelle sa nangyari. Nag-move-on siya at naghanap ng paraan para sa bata.


Gaano niya kamahal si Michelle? iyong kahit ninakawan na siya nito, hindi niya iniwan ito.

Ako po pinagkatiwalaan humawak ng pera ni Tekla at alam ko po kapag meron siya at kelangan ng padala ng pamilya ni Michelle , nagpapadala po agad ako kasi ayaw niya ngang nag-aaway sila. Nandyan iyong nasa stage si Tekla, may makikita siyang text from Michelle, agad-agad itatakbo ko po na makapag-padala ng pera sa pamilya ni Mich.


Ayoko na pong sabihin ung about drugs at sugal masyado ng dark ang issue na ito na sana napag-usapan at naayos na lang nilang dalawa po.

Kung gusto man kumalas nung isa jan sana hindi na dinaan sa ganito, nakalimutan niyang si God ang mas magaling magbalasa ng baraha, iyong pamilya lang talaga ni Mich ang may mali. 

Anong purpose nitong Pa-Tulfo?

Alam ko mas maraming deserve na matulungan ni Idol Raffy kesa sa pamilyang ito po.

Iwas na tayo mga serrr/mam sa pang-jujudge sa dalawa. Iyong simpleng memes kala nyo nakakatawa pero nakakasakit na din kayo. Hindi nyo po sila kilala ng lubusan, hnd nyo po sila nakasama ng matagal.

Sa three years na yon never ko po siya nakita nag-drugs kasi He teach me na "sisirain lang buhay mo nun, mapapariwala ka." Tinatago niya sa akin. Magaling na mentor din siya talaga pinipuna niya ako at ituturo sayo ung dapat bilang PA niya. Gigil na gigil po siya kapag natataranta ako. Although minsan po nasasabihan ko siya na "ampangit niya" babatukan lang ko niyan, tapos wala na, lambing lang yon, hindi yon para saktan ka physically. 

Nag-offer din po siyang pag-aralin ako at ibili ng cp pero hnd ko po tinanggap kasi seeing the situation po niya na halos siya lahat na nga sa pamilya ni Mich, priority niya rin po na supportado siyempre tatay niya po at ang anak niya po kay Ate Airyn na alam kong mas may care sa kanya.

Kasabay ko siya kumain, kasi he makes me feel na family niya ako hnd niya ako PA lang. At nung Birthday ko po, sagot niya ang handa ko po katulad ng ginagawa niya sa MGA  pamangkin ni Mich.

FLEX KO LANG PO ULIT BOSS KO! 

MABUTI SIYANG TAO! malditah lang talaga yan minsan kpg nagkamali ka, pero lambing niya lang yon. 

Malamang nga po sa lahat ng nag-Judge sa kanya papatawarin niya agad.

Sabi niya nga sa akin noon kung malalaos man siya, dapat may alam din akong work kasi sa kanya okay lang daw sa magbukid, sanay siya sa probinsya kaya niya maghirap.”



Narito ang kanyang post:






Anong masasabi mo kaugnay sa pahayag ng naging personal assitant ni Tekla?