--> Lumabas din ang Katotohanan! Makaganda,Planado na palang Iwan ang Vlogger na si Merck dahil May Karelasyon ng Iba noon pa at yun ay Kaibigan ni Merck | ChikaTime

Lumabas din ang Katotohanan! Makaganda,Planado na palang Iwan ang Vlogger na si Merck dahil May Karelasyon ng Iba noon pa at yun ay Kaibigan ni Merck

  Kamakailan lamang ay naging laman sa social media ang isyung kinasangkutan ng vlogger na si Merck Grey matapos mag facebook live ang girlf...

 


Kamakailan lamang ay naging laman sa social media ang isyung kinasangkutan ng vlogger na si Merck Grey matapos mag facebook live ang girlfriend nitong si Caffey Namindang at dito’y inilabas ang kanyang saloobin laban sa kanyang boyfriend na si Merck.

Ayon kay Caffey o Makaganda, ginamit lamang umano siya ni Merck at inilantad na ang lahat na kanilang vlogs ay scripted at pinipilit pa umano si Caffey na gumawa ng mga b@stos na videos.







Umabot pa ang isyung ito kay Raffy Tulfo.Matatandaan natin na humingi ng tulong ang pamilya ni Caffey kay Raffy Tulfo at dito’y nakuha nga ni Caffey ang perang dapat sa kanya.

Kung inaakala natin ay tapos na ang hidwaan o ang isyung ito ay hindi pa pala.

Mayroon na namang kumakalat sa social media na nagpapakita na itong si Makaganda o si Caffey ang siyang may ginagawa palang kalokohan sa relasyon nila ni Merck.


Dito’y napag-alaman na si Makaganda pala ay naging karelasyon ng kaibigan mismo ni Merck na si Tristan Centeno. Habang magkarelasyon si Caffey at si Merck ay walang kaalam-alam si Merck na may matagal ng relasyon ang kaibigan niyang si Tristan at itong si Caffey.

Maraming chat conversation nina Tristan at Caffey  ang lumabas sa social media na nagpapakita ng ebidensya na may relasyon pala sila.

Maging ang girlfriend nitong Tristan ay nagsalita na rin.Buntis pala ang girlfriend ni Tristan pero iniwan ito dahil kay Caffey.

Sa mga chat conversation ay makikita din natin ang message ng ina ni Caffey na tila suportado pa nito ang patagong relasyon ng anak na si Caffey at kay Tristan na kaibigan mismo ni Merck.









Makikita natin na tila sang-ayon ang nanay ni Caffey at alam nila na may ginagawang kalokohan na ang anak.

Sa bagong vlog ni Merck ay isiniwalat niya ang  niyang nalalaman at hindi niya ito inaasahan.Hindi siya makapaniwala na magagawa ito ng kanyang kaibigan.

"Hindi lahat ng tao,kaibigan mo dapat mo pagkatiwalaan"

"Hindi lahat ng taong nakakasama mo ay totoo sayo"  saad ni Merck





















Basahin ang lahat ng post rito:




Panoorin ang video:






Anong masasabi mo kaugnay rito?