--> Lucky Winner sa "Tutok to Win" , Minumura si Willie Revillame nang Dahil dito | ChikaTime

Lucky Winner sa "Tutok to Win" , Minumura si Willie Revillame nang Dahil dito

  Si Willie Revillame ay isang tanyag na personalidad ng showbiz sa Pilipinas. Nagtrabaho siya sa ABS-CBN ng maraming taon bago magpasya na ...

 


Si Willie Revillame ay isang tanyag na personalidad ng showbiz sa Pilipinas. Nagtrabaho siya sa ABS-CBN ng maraming taon bago magpasya na lumipat sa Kapuso network. Maraming tagahanga si Kuya Wil dahil sa galling nito sa pag-host ng programa. Marami na rin siyang natulongan.

Nag viral naman sa social media matapos  ang isa pang nakakaintriga na sandali sa isang episode ng "Tutok to Win.

 




Isang Lucky Winner ang nagmura kay Kuya Wil habang kinakausap ito. Napamura ang isang babaeng nagwagi dahil  inakala niya na siya ay nai-scam ng ibang tao.

 

Talagang nagulat ang Kapuso superstar host na si Kuya Wil matapos marinig ang mga salitang binitawan ng masuwerteng nagwagi. Dito’y agad na sinabi  ni Willie sa babae na siya ay si Willie Revillame.

 

Matapos malaman ng babae na si Willie Revillame pala ang kausap nito ay hiningi ni Willie na mag public apology ang babaeng  ito dahil buong mundo ang nanonood at may mga tao na maaaring maging dismayado sa kanilang nasaksihan sa palabas. 

"Sorry po... humihingi po ako ng pasensya sa nasabi ko… Hindi na po mauulit," saad ng lucky winner.


 

"Ang payo ko lang sa natatawagan, kahit na may scam eh wag kayong magmumura. Kasi kung totoo, paano yan? Kasi nag-text ka sa amin... 'Sana kuya ako ang matawagan mo para pambili ko po ng laptop para sa online class namin.’ Tinawagan ka na, minura mo pa ako” advice ni Willie







Sa kabila ng nangyaring ito ay binigyan pa rin ng Kapuso superstar host na si Kuya Wil ang dalaga ng 20 libong piso at isang android phone.

Dahil sa pangyayarimg ito ay hindi maiwasan ng ilang netizen na magkomento kaugnay nito. 

"Nakakahiya sa part ng magulang na may ganyang klase silang anak na walang modo sa iba regardless kung kilala man o hindi ung tumawag sa kanila. Firstly, that is not the proper way to approach other people na ung mumurahin mo? unless ganyan ung environment na kinasanayan.. just saying.. ang solid kase nung mura hahaha."

"Bukang bibig na niya ang pagmumura kc sanay na yang sa ganoong salita. Ang mga magulang mo ang napupulaan sa bad words mo. Kabata mo pa palamura at hindi yan marunong  magpray kc natagalan sumagot"






Panoorin ang buong pangyayari:





Ikaw, mahilig ka rin bang magmura? Anong masasabi niyo kaugnay nito?