--> Labasan na ng B4h0! Manager ni Tekla, Ibinunyag ang Katotohanan sa Pagkatao ng naging Live-in Partner ni Tekla | ChikaTime

Labasan na ng B4h0! Manager ni Tekla, Ibinunyag ang Katotohanan sa Pagkatao ng naging Live-in Partner ni Tekla

  Naging viral sa social media ngayon ang kilalang Komedyante na si Super Tekla matapos magreklamo ang kanyang live-in partner na si Michell...

 


Naging viral sa social media ngayon ang kilalang Komedyante na si Super Tekla matapos magreklamo ang kanyang live-in partner na si Michelle tungkol sa umano’y pang-aab*so at pagpapabaya sa kanya ni Tekla pati na rin sa kanilang anak.

Sa unang Panayam ay dito'y isiniwalat ni Michelle ang mga katarantaduhang ginagawa ni Tekla sa kanya at sa kanilang anak.

Ayon sa naging kuwento ni Michelle, itong si Tekla ay umanoy pinipilit siyang makipagtal*k sa kanya kahit hindi niya gusto dahil masama ang kanyang pakiramdam at kahit paman hawak nito ang kanilang sanggol na anak ay walang pakialam si Tekla.




Kuwento pa ni Michelle nakapag hindi niya binigay ang gusto ni Tekla na magtal*k sila ay hindi raw ito binibigyan ng pera para pambili ng kanilang pagkain sa araw-araw.

Minsan pa nga raw ay itong si Tekla ay nag ma-mast**bate sa harap ng ka live-in kahit pa karga nito ang bata at pinatatalsik pa nito sa mukha ng live-in partner ang kanyang likido kapag nilabasan na.

Talagang ikinagulat ng marami ang mga rebelasyong ito. Pati si sir Raffy ay hindi makapaniwala sa tunay na pagkatao ni Tekla.



Matapos magreklamo si Michelle tungkol dito ay ipinagtanggol naman si Tekla ng kanyang mga kasamahan o kakilala gaya na lamang nina Donita Nose, Ogie Diaz at ng manager ni Tekla na si Rose Conde.

Nagsalita ang manager ni Tekla na kilala sa pangalang si Rose Conde tungkol sa kontrobersiyang ito.





Dito'y isiniwalat ng manager ang tunay na pagkatao din ng live-in partner ni Tekla.Sinabi nito na planted ang video na ipinapakita ni Michelle na kung saan ay makikita sa video ang pag-aaway ni Michelle at ng comedian. Planted lamang umano ito para palabasing napakasamang tao nitong si Tekla.

“Hindi niya akalain na gagawin sa kanya ito ng taong minahal niya for six years. Ilang beses ko nang sinabihan na hiwalayan na niya ‘yang babaeng ‘yan kasi walang maitutulong sa kanya na mabuti, pero ‘di niya ako pinakinggan dahil mahal na mahal niya ‘yang babae na ‘yan at mahal niya ang pamilya ni Michelle. Michelle, minahal mo ba talaga si Tekla?” yan ang  pahayag ng manager ni Tekla.


 

Kuwento pa ng manager na si Rose ay inaatake raw ngayon ng matinding depresyon si Tekla dahil sa nangyayari sa kanya na hindi inaasahan ni Tekla na magagawa ito ng kanyang live in partner na siraan siya,

 “Sa totoo lang po, nu’ng kausap ko siya kagabi, tinanong ko lahat ng akusasyon ni Michelle. Sinabi niya, ‘Mami, kilala mo ako, maaaring may pagkukulang ako sa inyo, sa ugali ko, pero ang respeto ko kay Michelle ganu’n-ganu’n na lang, kasi ganu’n ko siya kamahal.’ saad ni Rose

“Sa totoo po, every time na mababanggit niya yung pangalang Michelle, umiiyak siya sa akin. Alam ko po yun, kung gaano niya kamahal si Michelle,” dagdag pahayag ng manager.

“Ngayon, sa lahat ng sinabi niya (Michelle), inisa-isa ko kay Tekla kagabi. Paumanhin, pasensiya na, hindi pa siya makapagsalita dahil siyempre po taga-GMA siya. Meron po kaming kontrata sa GMA so respeto lang po sa GMA na nagpapaalam na po muna ako,” sabi ng manager.



Tinanong din daw ng manager si Tekla kung ano talaga ang pinagsimulan ng kanilang away  na nakunan nga sa video at humantong na magpa Tulfo.

“Humingi sila nang pang-umpisa kay Tekla. Walang maibigay si Tekla kasi wala pa po siyang pera." 

“Wala pa po siyang income ngayon. Mag-uumpisa pa lang ang suweldo niya ngayong payday. Wala siyang maibigay, so nag-aaway na sila,” paliwanag pa ni Rose.

 Sinasabing hindi raw magandang impluwensiya si Michelle kay Tekla dahil sa mga bisyo nito at talaga raw planado nito ang pagbi-video sa komedyante para irekamo sa programa ni Raffy Tulfo.

Ayon pa sa manager ay itong si Michelle ay niloloko niya si Tekla,nagnanakaw ng pera,nagsusugal at talagang bad impluwensya siya kay Tekla gaya ng paggamit nila ng illegal na dr*ga.


Panoorin ang video:






 Totoo nga ba ang mga paratang ng live-in partner na ito? Di kaya,sinisiraan lang niya si Super Tekla? 

Anong masasabi mo kaugnay nito?