--> Labasan na ng Baho ng Dahil lang dito ! Word War sa Pagitan ng dating Ms. Universe na si Pia Wurtzbach at kapatid nito na si Sarah. | ChikaTime

Labasan na ng Baho ng Dahil lang dito ! Word War sa Pagitan ng dating Ms. Universe na si Pia Wurtzbach at kapatid nito na si Sarah.

Laman ngayon sa social media ang naging word war sa pagitan ng magkapatid na sina 2015 Ms. Universe Pia Wurtzbach at ang kapatid nito na si ...



Laman ngayon sa social media ang naging word war sa pagitan ng magkapatid na sina 2015 Ms. Universe Pia Wurtzbach at ang kapatid nito na si Sarah Wurtzbach.

Maraming netizens ang nakakita sa isang post ni Sarah matapos ilabas nito ang sama ng loob sa kanyang ate at ina. Matapos maibahagi sa social media ay ginawa na nitong private ang kanyang Instagram account.

Gayunman, maraming fans na ang nakapag-screenshots ng “IG” stories ni Sarah sa Facebook at Twitter na kasalukuyang pinagpipiyestahan ngayon sa  social media.



Marami talaga ang nagulat sa naging pahayag ni Sarah. Karamihan sa mga netizen ang nakikita ay ang pagiging close nina Pia at Sarah Wurtzbach sa isa’t isa kaya hindi nila akalain ang awayang ito.

Kabilang sa mga maaanghang na salitang binitiwan ni Sarah tungkol kay Pia at maging sa kanilang inang si Cheryl Alonzo Tyndall ay ang mabaho o masamang ugali raw ng beauty queen.



Labis ang pagdamdam ni Sarah nang masabihan ni Pia na barya na lamang ang suweldo dahil sa pagbibigay sa kapatid, gayundin ang minsang pagdamay daw dito tuwing kaaway ang Scottish businessman boyfriend na si Jeremy Jauncey pero kapag siya na ang may problema ay hindi siya madamayan nito.

Nagkaroon din aniya ng pagkakataong si Jeremy naman ang humingi ng tulong kay Sarah matapos magkaproblema raw sa kanyang mga kliyente dahil sa inilabas na video ng kanilang ina sa sariling YouTube channel nito.




“Triggered ako kasi yung hudas nating nanay, sumira nanaman ng ibang tao. Lumapit sa akin si Jeremy at nagsumbong dahil dun sa video ni mama sa YouTube. Nagkaproblema sya sa clients. Sa akin sya lumapit PARA WALA KANG ANXIETY OR STRESS. AKO ANG SUMALO.

“Kahit ako na nga ang triggered at ako na nga yung depressed dahil kay mami, ako parin ang sumalo para hindi ikaw ang mastress @piawurtzbach” bahagi ng patutsada ni Sarah kung saan naka-tag pa ang kanyang ate Pia.




Galit at puno ng sama ng loob ang laman ng naging post ni Sarah sa kanyang IG account na ngayon ay naka private niya. Dahil sa sama ng loob ay nagawa nitong ilabas sa social media ang nangyayaring away sa pagitan nila ng kapatid at ina ng mga ito.

Matatandaan na nabanggit ni Sarah na naging abusado sa kanya si Pia at ang ina ng mga ito dahil sa kanyang pagiging tahimik. Nagkaroon umano ng problema ang ina nila sa isang kliyente kaya lumapit ang kasintahan ni Pia na si Jeremy kay Sarah upang tulungan ito.

Hindi man direktang sinabi ngunit tila minasama ni Pia ang paglapit ni Jeremy kay Sarah kung kaya nagsimula ang away ng dalawa.

 Ayon kay Sarah, sinabihan pa siya ng kanilang ina na ginusto niyang mapagsamantalahan dahil may problema siya sa pag-iisip.

Ngayon ay si Sarah ay naghihintay na mag response si Pia sa kanya at humingi ng sorry.


Mga Post ni Sarah:















\




















Anong masasabi mo sa word war ng magkapatid na ito?