--> Kulong ang Dating Pulis na sinita dahil walang suot na helmet,Nakasuot pa ng uniporme at may Baril | ChikaTime

Kulong ang Dating Pulis na sinita dahil walang suot na helmet,Nakasuot pa ng uniporme at may Baril

  Mahigpit na pinapatupad ngayon ng mga kapulisan ang pagsusuot ng helmet habang nagmomotorsiklo. Matatandaan natin sa isang memorandum circ...

 


Mahigpit na pinapatupad ngayon ng mga kapulisan ang pagsusuot ng helmet habang nagmomotorsiklo. Matatandaan natin sa isang memorandum circular na ipinalabas ng DILG kamakailan, istriktong pagpapatupad ng batas ang kinakailangang gawin na naaayon sa RA 10054 o ang pag-uutos sa lahat ng motorcycle riders na magsuot ng helmet bilang proteksyon nila sa pagmamaneho.




Ang batas na RA 10054 ay  layunin na isiguro ang kaligtasan ng mga operator o nagmamaneho ng motorsiklo at kanilang mga angkas sa lahat ng oras sa pamamagitan ng mandatory enforcement ng paggamit ng standard protective helmet sa pagmomotorsiklo. 

Isang dating pulis naman ang nauwi sa mabigat na kaso ang simpleng pagsita sa kanya dahil walang suot na helmet habang nagmomotorsiklo sa Quezon City. Ang lalaking ito ay nakasuot ng uniporme ng pulis kahit hindi na siya pulis .Nakasuot siya ng fatigue uniform ng pulis kaya kung siya ay titingnan ay para nga siyang aktibo pang pulis , pero wala siyang naipakitang katibayan na awtorisado pa siyang magsuot ng naturang uniporme.




Bukod sa violation niyang ito ay nakita rin sa kaniya ang isang baril, mga magazine na loaded ng bala, at posas.Nang sinuri ng Firearms and Explosives Office ang record ng baril base sa serial number nito, nagulat ang HPG sa kanilang nadiskubre.

"'Yan palang baril na 'yan, 'yan pala 'yung nawawalang baril ng isang pulis dito sa HPG, bakit napunta sa iyo?" tanong ni Brigadier General Eliseo Cruz, Direktor ng PNP-HPG 

Dito’y napag-alaman na 2018 pa pala nasibak sa serbisyo itong si Amutan bilang isang puulis. Ayon Kay Amutan , na-dismiss siya dahil sa grave misconduct.






Sa ngayon ay nasa kustodiya ng pulisya at sinampahan ng kasong usurpation of authority at illegal possession of firearms si Amutan.



Panoorin ang video:




Anong masasabi niyo?