--> Katotohanan? Kamag-anak ni Tekla, Nagsalita na at May Isiniwalat sa Isyung Kinakasangkutan ni Tekla Ngayon | ChikaTime

Katotohanan? Kamag-anak ni Tekla, Nagsalita na at May Isiniwalat sa Isyung Kinakasangkutan ni Tekla Ngayon

Mainit na mainit ang usapin ngayon sa showbiz ang kinahaharap na isyu ni Super Tekla kung saan inireklamo siya ng kanyang live-in partner na...


Mainit na mainit ang usapin ngayon sa showbiz ang kinahaharap na isyu ni Super Tekla kung saan inireklamo siya ng kanyang live-in partner na si Michelle Lhor Bana-ag sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo.' 

Una nang dinipensahan ni Donita Nose ang kaibigan at kapwa komedyante sa mga uspin, gayundin si Ogie Diaz na pinabulaanan ang mga paratang ni Michelle kay Tekla. 

Maging ang unang kinasama ni Tekla na si Airyn ay sinagga rin ang mga paratang ng kinakasama nito ngayon.




Naglabas na rin ng saloobin ang pamilya ni Romeo Librada o mas kilala bilang si Super Tekla sa gitna ng kinahaharap nitong isyu ngayon.

Matatandaan natin na talagang mabibigat ang mga paratang na binitiwan ni Michelle laban kay Tekla.

Ngayon ay nagsalita at nagpakita ng pagsuporta ang kapatid ni Tekla na si Alex Librada na ibinahagi niya sa social media.

 Ayon kay Alex, mula pagkabata ay kasama at kilala na raw niya ang komedyante na likas na mabuti noon pa man. 


"Kung mayroon mang tao na mas nakakakilala kay Super Tekla o Romeo Librada, walang iba kundi ako," "Ako simula pagkabata hanggang ngayon magkasama kami, ako ang nakakaalam kung anong ugali mayroon siya!" ang bahagi ng post ni Alex patungkol kay Tekla. 

Inamin niyang masama ang kanyang loob dahil sa mga ipinupukol na di umano'y maling paratang at akusasyon sa kanyang kapatid. 

"Masakit sa kalooban na ang kapatid ko na mabait at mapagbigay ay masasangkot sa isang kasinungalingan na paratang," dagdag pa ni Alex.

 "Tol, tibayan mo lang loob mo lalaban tayo. Wala sa dugo ng mga Librada ang inaapakan. "

"Tandaan mo yan tol," 

Talagang isang patunay ito na sa mga panahong ito ay kaisa pa rin ni Tekla ang kanyang pamilya na naniniwalang hindi magagawa ng komedyante ang mga akusasyon sa kanya ng live-in partner at ang ina ng bunso niyang anak. 








Maging ang anak ng komedyanteng si Tekla ay nagpakita na rin ng suporta sa kanyang ama.

Siya ay walang iba kundi si Theora Airah Librada, ang panganay at unang anak ng komedyanteng si Super Tekla kasama ang kanyang dating kapareha na si Airyn Gonzalez.

Mahirap talaga para kay Airah  kung ano ang nangyayari sa kanyang ama at sa kanyang ina-ina. 




Maaaring siya ay masyadong bata para sa mga mata ng ibang tao, ngunit parang si Airah ay may ganap na kamalayan na sa kung ano ang kasalukuyang problema ng kanyang pamilya.

 Ipinakita ni Airah ang kanyang suporta sa pagbahagi nito sa social media.Kumuha si Airah ng isang screenshot ng komento ng isang netizen tungkol sa sitwasyon ng kanyang ama.

Ang nasabing puna ay pinag-uusapan tungkol sa pagiging patas sa komedyante. Sinabi ng netizen na dapat marinig ng mga tao ang kabilang panig ng kwento at hintayin ang pahayag ni Super Tekla.

Pagkatapos ay idinagdag ito ni Airah sa kanyang facebook at sumulat ng, "nabasa ko lang po dito," na nagpapahiwatig na sumasang-ayon siya sa mahabang pahayag ng netizen.

Bagaman ito ay isang simpleng kilos lamang ni Airah ngunit malaki na ang kahulugan nito para sa isang magulang na alam na mahal ka pa rin ng iyong anak at pinagkakatiwalaan ka kahit na ano pa man.


Anong masasabi mo kaugnay nito?