--> Isang Pipi't Bingi , PinagSasap@k ng Dahil lamang sa Kulang na Sukli | ChikaTime

Isang Pipi't Bingi , PinagSasap@k ng Dahil lamang sa Kulang na Sukli

  Kilala sa buong bansa si Raffy Tulfo na isa sa mga batikang broadcast journalist ng bansa. Mas lalong nakilala itong si sir Raffy sa kanya...

 


Kilala sa buong bansa si Raffy Tulfo na isa sa mga batikang broadcast journalist ng bansa. Mas lalong nakilala itong si sir Raffy sa kanyang serbisyo publiko sa pamamagitan ng programa niyang 'Raffy Tulfo in Action' at sa programang 'Wanted sa Radyo' .

Marami ng natulongan si sir Raffy sa mga taong nangangailangan ng tulong gaya na lamang ng mga taong inagrabyado.



Isa na namang complainant ang tinulongan ngayon ng Raffy Tulfo in Action. Ang kasong ito ay tungkol sa isang PWD na si Felipe Vallega na inagrabyado ng isang tricycle driver. Ang suspek ay kinilala na si Jerry Leal.

Humingi ng tulong ang pinsan ng biktima na si Mary Jane Rubio na mapanagot ang taong nanapak at nangbugb*g sa kanyang pinsan na walang kalaban-laban.





Ayon sa kwento ng pinsan, itong biktima ay inutusan umanong bumili ng alak ngunit nang ibigay ang sukli ay kulang umano ito. 

Kinompronta umano ang biktima ng suspek at dito'y pinagsas@pak na ng suspek na si Jerry Leal ang walang kalaban-laban na pipi't bingi na si Felipe.

Ayon naman sa suspek ay nagawa niya yun dahil dala na raw ng kanyang kalasingan at ito'y humihingi ng patawad sa biktima at pamilya nito. 






Kahit paman nagpakumbaba at todo hingi ng tawad ang suspek na si Jerry ay talagang naging desidido naman ang pamilya ng biktima na kasuhan ang suspek at makulong na ito. 

Handa ngayon si sir Raffy na makulong at talagang mapanagot ang suspek dahil sa ginawa nito sa isang PWD.

"Ako na ang gagastos ng lahat ng medical expenses,hwag lang kayo mag papaareglo" saad ni sir Raffy

Maraming netizen ang dismayado sa ginawa ng suspek dahil kitang-kita na walang kalaban-laban ang PWD ay talagang pinatulan at pinagsap@k pa ng paulit-ulit.







Reaksyon ng mga Netizens:






Panoorin ang video:




Anong masasabi mo kaugnay sa isyung ito?