--> Ibang Klase si Misis! Mister,Bumuhos ang Luha Nang Ireklamo ang Misis na Paulit-ulit na Nanglalaki! | ChikaTime

Ibang Klase si Misis! Mister,Bumuhos ang Luha Nang Ireklamo ang Misis na Paulit-ulit na Nanglalaki!

  Kilala sa buong bansa si Raffy Tulfo bilang isa sa pinaka magaling na broadcaster. Hindi lamang sa pagiging isang mahusay na broadcast jou...

 


Kilala sa buong bansa si Raffy Tulfo bilang isa sa pinaka magaling na broadcaster. Hindi lamang sa pagiging isang mahusay na broadcast journalist sa bansa kundi maging sa agarang pag-aksyon sa mga sumbong ng mga mamamayang naapi. 

Madalas itong si Tulfo ang bukang-bibig ng mga mamayang nangangailangan lalo na ang mga taong inaapi o inagrabyado.




Isa sa mga kasong tinutulongan ni sir Raffy ay ang ayusin ang mga mag-asawang nagkakagulo.Madalas nating naririnig at nakikita sa programang Raffy Tulfo in Action na ang mga misis ang nagsusumbong kay sir Raffy dahil sa pangangaliwa ng kanilang mister.

Ngunit sa araw na ito ay isang mister naman ang nagsumbong kay Raffy dahil sa pagiging lalakiro ni misis. Ayon kay mister maraming beses na umanong nahuli niya si misis na may mga lalaki.

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na 'Wanted sa Radyo' ang mister na kinilalang si Jessie Enotorio upang humingi ng tulong na matuldukan na lamang ang pagsasama nila ng kanyang misis na si Gremilline Enotorio. 





Dito'y inihayag ng mister na mayroon daw ibang lalaki ang misis at nagawa pa nitong iwan ang kanyang pamilya para rito. 

Napaluha talaga ang mister habang kinakapanayam siya ni Tulfo gayundin ng misis na nasa kabilang linya. 

"20 years tayong kasal, itinapon mo lahat yun para lang sa lalaki na yan?" 

Talagang bumuhos ang luha ni mister nang sabihin niya ito kay misis. Maging ang panganay nilang anak na lubos nang nakakaunawa sa mga nangyayari ay nakiusap sa ina na panindigan na lamang ang desisyon na pag-iwan sa kanila at huwag na ring guluhin ang ama nila. 

Ayon sa mister na maraming beses na niyang tiniis si misis at nakisama siya kahit pa nung una,kaso paulit-ulit pa ring ginagawa ni misis ang kanyang bisyo na manlalaki siya.



Umiyak din si misis na humingi ng patawad at sana'y tanggapin pa siya ulit ng mister alang-alang sa kanilang anak ngunit hinding-hindi na kaya ni mister na makisama pa sa asawa niyang tinaksilan siya ng paulit-ulit.

Hiling na lamang din ng mister na mapawalang bisa ang kanilang kasal. Subalit ang misis ay sinubukan pang magsumamo sa kanyang asawa. 

Ayon naman kay misis ay gagawin niya ang lahat matanggap lamang siya ulit.Handa raw umano siyang tanggapin ang masasakit na salita nito. Kahit daw hindi pa siya nito hayaan na magkaroon ng cellphone gagawin niya makabalik lamang sa kanilang pamilya lalo na at may maliit pa silang anak. 





Ngunit nagmatigas na si mister kahit anong pakiusap pa ang ginawa at maging ang staff ng Raffy Tulfo ay humiling din na sana magkaayos na sila.

Talagang itong si mister ay pinanindigan na ang desisyon na hindi na muling tanggapin si misis. Sa huli'y nagpasalamat na lamang sila na naging bahagi sila ng buhay ng bawat isa at tila isinarado na ang posibilidad na magkabalikan pa sila.





Ito naman ang naging reaksyon ng mga Netizen:






Narito ang video:


Ano naman ang masasabi mo kaugnay sa pangyayaring ito?