--> Laptop naging Bato! Estudyanteng nangingisda makabili lang ng laptop para sa online class, 3 Bato ang dumating! | ChikaTime

Laptop naging Bato! Estudyanteng nangingisda makabili lang ng laptop para sa online class, 3 Bato ang dumating!

  Dahil sa pandemyang hinaharap ng buong mundo ngayon ay nahihirapan ang mga estudyante sa kanilang pag aaral. Para mapagpatuloy ang kanilan...

 


Dahil sa pandemyang hinaharap ng buong mundo ngayon ay nahihirapan ang mga estudyante sa kanilang pag aaral. Para mapagpatuloy ang kanilang edukasyon ay nagdesisyon ang gobyerno na gawin ang klase sa pamamagitan ng online class. Halos lahat ay hirap sa estilong pag-aaral na ito. Marami ang nahihirapan lalo na kailangan ng mga estudyante ng internet at mga gadgets na kakailanganin sa kanilang klase.


Isang college student ang nag order ng laptop para sa kanyang pag-aaral. Sa kasamaang palad ay bato ang laman ng kahon ng laptop na in-order niya online  na may halagang P24,000. Nangingisda pa siya para mapag-ipunan ang P24,000 na ibinayad niya sa laptop na gagamitin sana sa kanyang online classes.Laking gulat sa pagkadismaya niya matapos niyang matanggap at buksan ang laman ng kartong  inorder niyang laptop via online sa halagang P24,000 dahil tatlong pirasong bato lang pala ang nasa loob nito.



Sa interview ng binata sa GMA News ay sinabi ni Arthur Baylon isang third-year BS Hospitality Management student na P24,000 halaga ng pera na ipinambili niya sa laptop ay mula sa pangingisda.

“No’ng nagsimula ang lockdown, ako na ang sumasama sa aking tatay sa pangingisda so ‘yung nakikita namin, tinitipon ko ‘yun lahat kasi pangarap ko talaga na magka-laptop para sakaling mag-online class, madali rin sa’kin makapuna ng aking mga gagawin sa school,” saad ng biktima.


“Sa cellphone, hindi ka makakapag-multitask kagaya ng sa laptop na nag-o-online video chat kayo kasama ng mga teachers mo while doing something, nagta-type ka ng mga important matters. Kasi sa cellphone, one tab lang siya e,” dagdag pa nito.

Matapos makalikom ng sapat na perang pambili ng laptop ay umorder na si Arthur ng laptop online at dumating ito matapos ang dalawang linggo.




“Binuksan ko ito sa karton niya, tumambad sa’kin una ‘yung mousepad. No’ng tumambad sa’kin ‘yung mousepad e di masaya naman ako, wala naman akong ano. Pero ‘yung in-open ko na talaga ‘yung box ng laptop na black, pagbukas ko pa lang ng karton ng charger, wala na siyang lamang charger,” aniya.

“‘Yun, kinabahan na ako. Pag-open ko ng sa laptop na talaga, ‘yun tumambad sa’kin ang tatlong bato. Kinabahan talaga ako. Iniisip ko ‘yung pamilya ko talaga kasi pera nila ‘yun e, pinaghirapan nila ‘yun,” kuwento ng estudyante.


Halos maiyak ang mga magulang ni Arthur dahil naging bato ang kanilang pianghirapan.Sa hirap pa naman ng buhay ay nabiktima pa sila.

“Nakakalungkot. Ang perang pinaghirapan namin, nasayang. Sa pagkahirap ng buhay, masama ang loob ko,” sabi ng ama ni Arthur na si Hernando Baylon.


 “Mahirap kumita ng pera,” dagdag ng ina niyang si Diosa.

Nagsumbong naman sila agad sa pulis at pina-blotter nila ang insidente.

Itinanggi naman ng seller na bato ang ipinadala niya sa buyer. At ibinalik din ng seller ang perang binayad ni Arthur sa kanya.

Ayon sa Department of Trade and Industry, umabot na sa 13,500 na online transaction complaints ang natanggap nila sa gitna ng pandemya.



Kaya payo sa mga taong mahilig mag online shopping na dapat suriing mabuti kung legitimate business din ba ang inyong binibilihan para iwas sa mga ganitong insidente.

Anong masasabi niyo?


Panoorin ang video: