--> Edward Barber, Umaming TOGETHER AGAIN na sila ni Maymay Entrata! | ChikaTime

Edward Barber, Umaming TOGETHER AGAIN na sila ni Maymay Entrata!

  Matatandaan natin kamakailan lamang ay naging malungkot sa mga MayWard fans ang hiwalayan nila Edward Barber at Maymay Entrata. Isang open...

 


Matatandaan natin kamakailan lamang ay naging malungkot sa mga MayWard fans ang hiwalayan nila Edward Barber at Maymay Entrata. Isang open letter ang pinost ng magka-love team sa kani-kanilang Instagram para ianunsyo sa kanilang mga fan na nauwi sa pagiging magkaibigan ang kanilang relasyon.



“Dear Mayward Family, sa loob po ng tatlong taon na nandito ang MayWard, nakita nyo po at narinig nyo mula mismo sa aming dalawa, ang tunay na nararamdaman namin para sa sa isa’t isa. Masaya at masarap po sa pakiramdam ang ideya ng isang romantic relationship. Sana po ay maintindihan nyo po kami. Patuloy namin inaalagaan ang isa’t isa at ang relasyon namin bilang magkaibigan. Sa ilang taon naming pagsasama, sa trabaho man at sa personal, pareho po namin na-realize na sa estado ng buhay namin ngayon, we both are still very young, and there is so much more we still want to achieve in our lives.





“We both agree there is no need to rush into anything. This means not having a romantic relationship between us at this point. Pareho po namin na-realize that being the best of friends will even be more beneficial for us. Mas kumportable kami makakapag-trabaho. Wala pong pagbabago, kami pa din ang magkasama dahil there’s no one else we would rather work with, than each other. 

“Pinagpanalangin po namin ang inyong suporta, respeto at pagmamahal sa amin, pati na sa aming pamilya at mga kaibigan.Maraming salamat po. Stay safe and God Bless everyone- We love You,” 


Yan ang mahabang post na ibinahagi  ni Edward Barber, na mababasa rin sa IG ni Maymay.

Ngayon ay isang magandang balita ang ibinahagi ni Edward Barber para sa MayWard fans nila ni Maymay Entrata. Sa Magandang Buhay show ay kinumpirma ng aktor na magsasama silang muli sa isang pelikula ng ka-love team at sobrang excited na raw siya about it.


Ayon sa kanya ay inaayos na umano ang schedule nila para sa locked-in shooting. Clue niya, ang direktor nila ay magaling sa comedy kaya looking forward na siya sa masayang shooting na magaganap.



“Ang nilu-look forward ko is ‘yung maging masaya ulit sa trabaho. Kasi may mga times talaga na habang nagtatrabaho ka, hindi ka naman nag-i-enjoy, hindi naman masaya, pinipilit mong ngumiti or tumawa.


“Pero ito, binasa ko na 'yung script, ipinost ko sa IG Stories ko 'yung draft six. Masaya talaga 'yung movie. Tapos, hindi 'yung sobrang bigat. So I'm looking forward to just having fun which is isa sa mga bagay na parang hindi ko ginawa nu'ng mga last projects,” pahayag ni Edward.


Naging emosyonal naman  si Edward habang nagpapasalamat sa MayWard fans.



"Ang daming nagsabi sa start ng quarantine, na 'yung quarantine ay parang PBB. Nakakulong kayo tapos nandoon lahat ng emotions. At masasabi ko na kahit ganoon, kahit matindi ang pinagdaraanan nating lahat ay nandoon pa rin sila.


“Hindi ako makapaniwala na, parang the level of support that they were giving us before is not just the same, it's even higher. Hindi ko ma-explain. Parang baliw talaga kayo because until now, you’re still giving us that support," pahayag ni Edward.

 

Matatandaan natin last April ay naglabas ng announcement ang MayWard ng tunay na estado ng kanilang relasyon. Anila sa kanilang joint statement ay nagdesisyon silang maging magkaibigan lang.


Kaya naman sobrang thankful ni Edward na sa kabila ng mga nangyari ay nandiyan pa rin ang kanilang mga supporters.


“Siyempre, ang daming nangyari, let’s not beat around the bush. A lot has been said sa social media, a lot of stuff has been lied about, false statements and through it all, I look through my Instagram messages, ‘yung sa direct messages, minsan toxic 'yun, pero I read them and I see some messages, they say, 'We still trust you, Edward. We still support you. We still love you,’” saad ng aktor.


Hindi raw niya kayang ipakita or sabihin kung gaano siya nagpapasalamat.


“Because you will never know the impact that it’s had in my life. Before, I took it for granted, now I can see what it really means,” dagdag sabi



“So, for all the MayWard family, solid Ed, solid Maymay, thank you, mahal na mahal ko kayo,” seryosong sabi ng aktor.

 

 Nagsimula ang tambalan ng dalawa nang sumabak sila sa "Pinoy Big Brother: Lucky 7" noong 2016.Kinilala ang tambalan nila bilang MayWard. Mula pa lang sa "PBB ay naging matindi na ang suporta ng kanilang mga tagahanga hanggang sa paggawa nila ng iba't ibang proyekto sa ABS-CBN.


Anong masasabi mo sa pagbabalik tambal ng Mayward? Isa ka ba sa excited manood ng kanilang pelikula?