--> Donita Nose, Rumesbak sa Kapatid ni Michelle Bana-ag na si Shabby Matapos Sabihin Ito Laban sa Kanya | ChikaTime

Donita Nose, Rumesbak sa Kapatid ni Michelle Bana-ag na si Shabby Matapos Sabihin Ito Laban sa Kanya

  Matatandaang agad na umani ng maraming reaksiyon ang nasabing vlog nina Tekla at Donita Nose kung saan ay pinakita sa video ang mga naiwan...

 


Matatandaang agad na umani ng maraming reaksiyon ang nasabing vlog nina Tekla at Donita Nose kung saan ay pinakita sa video ang mga naiwang dumi sa condo unit nina Tekla at Michelle.

Makikita sa video na tinulungan ni Donita ang kaibigang si Tekla na linisin ang condo nang umalis si Michelle kasama ang kaniyang pamilya sa nasabing condo unit ay naiwan ito na sobrang kalat at dumi.

Bukod pa diyan, naging problemado din si Tekla dahil ang ibang kagamitan umano sa bahay ay naibenta ni Michelle.




Bagamat matapos ang tulong na ginawa ni Donita ay batikos ang kanyang natanggap mula mismo sa kapatid ng live-in partner ni Tekla na kinilalang Shabby.

Sa isang screenshot ng convo na kumakalat ngayon sa Facebook, sinabi ng isang Facebook user na Ashley Makyuut na sinasabing kapatid umano ito ni Michelle na scripted lang daw iyon at kinalat umano nila ang mga gamit na naroroon para sa vlog. 




Hindi pinalampas ni Donita Nose ang akusasyon na scripted lamang umano ang pinakita nila sa pinakahuli nilang vlog ni Tekla kung saan pinagtulungan nilang linisin ang condo unit ng komedyante na dating tinirhan din ng dating karelasyon na si Michelle Bana-ag kasama ang kapatid nito at ang kanyang mga pamangkin. 

Talagang makikita na sinabi nitong Ashley Makyuut na sinasabing kapatid ito ni Michelle na scripted lamang daw ang ginagawa nila Donita at Tekla at ikinalat lamang umano ng dalawa ang mga gamit para sa vlog ng Donekla para na din umano masira na naman muli ang pamilya nila sa publiko.

Dahil dito ay hindi pinalampas ni Donita ang pinagkakalat ng kapatid ni Michelle na scripted lamang ang vlog nina Donita at Te kla.








"Hahhahahhaaa gusto sumikat ni ashley makyuut... Kakagigil ka dae!.. Scrpited? Dinala namin ang ipis? Juskooo sana sumama ka para nakita mo at nakatulong ka din maglinis para nalinis din mata at utak mo! Gigil mo ko" ito naman ang banat ni Donita

Itinanggi naman ni Donita Nose ang akusasyon ng kapatid ni Michelle na scripted lamang ang vlog nila ni Tekla nang ipakita niya ang condo unit ng komedyante matapos itong iwan ni Michelle at ng kaniyang pamilya.



Hindi na din nakapagtimpi si Donita at bumwelta laban sa mga paratang sa kanila. Saad pa ni Donita na sana ay sumama umano ang kapatid ni Michelle sa condo unit para makita ang tunay na kalagayan ng condo.


Narito ang Post:





Anong masasabi mo kaugnay nito?