Si Cherry Pie Picache ay isang beteranong artista na kilala sa kanyang mahusay na kasanayan at talento sa pag arte sa kanyang mga telesery...
Si Cherry Pie Picache ay isang beteranong artista na kilala sa kanyang mahusay na kasanayan at talento sa pag arte sa kanyang mga teleserye at pelikula. Ang ilan sa kanyang pinakatanyag na proyekto na nagampanan ay ang Hiram na Mukha, Pangarap na Bituin, at Iisa Pa Lamang.
Naglabas ng kanyang saloobin si Cherry Pie Picache tungkol sa pag shutdown ng ABS-CBN sa isang Zoom conference para sa kanyang bagong Kapamilya teleserye na "Walang Hanggang Paalam."
Dito ay ipinahayag ng aktres na naipamalas ng Kapamilya Network ang kadakilaan nito sa kabila ng pagkashutdown ng network sa telebisyon at radyo dahil sa isyu sa pag-renew ng franchise. Ayon kay Cherry Pie, maaaring masara ng mga detractors ng network ang ABS-CBN ngunit hindi nila maisara ang talento ng mga tao sa kumpanya .Ipinahayag din niya ang kanyang pagpapahalaga na nabigyan siya ng bago proyekto ng network sa kabila ng mga problemang kinakaharap ng kompanyang ABS-CBN.
“Pwede n’yong isara, pwede n’yong patayin, pwede n’yong itigil pero hindi n’yo mapipigilan yung galing ng kumpanyang pinagtatrabahuhan namin. “Ang ABS-CBN, ang Dreamscape at lahat sa mga taong nandito this is just the beginning kahit naging madilim, malungkot, mahirap, we faced the challenge, we all face the challenge and will be a brighter future for everyone… “We’re really grateful and blessed to be handed and to be given the opportunity by ABS-CBN and of course Dreamscape kasi, hindi lang sa inaalagaan kami pero, di ba inumpisahan di nila ito. Habang sila rin humarap at humaharap sa isang napaka-difficult na situation,” saad ng actress
Bukod kay Cherry Pie ay marami ding mga artista ang nagpakita ng kanilang full support sa ABS-CBN at umaasa na maibabalik ang network balang araw.