--> Batang babae naisugod sa Ospital matapos mabigyan ng Maling Gamot,Imbes na gamot sa UTI ay gamot sa may sakit sa UTAK ang ibinigay! | ChikaTime

Batang babae naisugod sa Ospital matapos mabigyan ng Maling Gamot,Imbes na gamot sa UTI ay gamot sa may sakit sa UTAK ang ibinigay!

   Isang 14 yrs old na batang babae na nagmula sa bayan ng Matuguinao sa Samar ang na-diagnose na may UTI  at sa kasamang palad ay nagkama...

  


Isang 14 yrs old na batang babae na nagmula sa bayan ng Matuguinao sa Samar ang na-diagnose na may UTI  at sa kasamang palad ay nagkamaling nabigyan ng gamot para sa sakit sa isip. Ang batang ito ay na-diagnose na may urinary tract infection (UTI) lamang ngunit isinugod siya sa Gandara District Hospital matapos makaranas ng masamang epekto mula sa maling gamot na naibigay na imbes gamot sa UTI ay gamot sa mental illness ang naibigay nito!

Una rito ay nagpa check-up ang batang babae sa municipal health at dito ay na found out ng municipal health officer na may UTI ang  bata.Tama na inireseta ng municipal health officer ng Matuguinao ang batang babae ng cefalexin tablet upang malunasan ang karamdaman. Ngunit kahit na may tamang pagsusuri at reseta, ang batang babae ay binigyan ng Haloperidol na gamot para sa mga pasyente na may sakit sa pag-iisip.




Ang maling gamot ay naipamahagi umano ng nursing attendant/nursing aide na nagngangalang Rossel Davantes, na kinilala ng pinsan ng dalagita na si Dherma Velarde Malahay. Kung paano niya nakuha ang mga gamot na halo-halo ay nananatiling isang palaisipan, isinasaalang-alang na ang "Cefalexin" at "Haloperidol" ay malinaw na ibang-iba sa bawat isa.

Dahil nga ang kanyang orihinal na paggamot para sa UTI ay maaaring gawin lang sa labas, pinayagan ang batang babae na umuwi sa kanila pagkatapos ng pagsusuri. Ngunit sa kasamaang palad nito ay nagsimulang maglaway at nagsimulang maranasan ang hindi kontroladong pag-ikot ng mga mata paitaas, katulad ng mga seizure o epileptic episode.



Ang batang babae ay isinugod sa Gandara District Hospital kung saan siya ay napagamot nang 1 linggo. Sa kabutihang palad, ang batang babae ay maayos na ngayon ngunit ang kanyang pamilya ay naghahanap ng hustisya dahil ang insidente ay maaaring maging mas malala!



“We will conduct a fair investigation, if evidence warrant, then maybe we can dismiss whoever responsible of the alleged giving a wrong medicine to the patient,” saad ng Mayor

Natatakot din ang pamilya ng bata na ang maling gamot ay maaaring magkaroon ng ilang permanenteng epekto sa utak ng batang babae.Sila’y nanawagan ng hustiya at managot ang may sala.

 


Sadyang nakakatakot ang ganitong mga insidente. Imbes na simple lang yung sakit mo ay biglang magkalala dahil sa maling gamot na maibigay sa atin.

Anong masasabi niyo?